Default Thumbnail

Inton: HB 9368 malinaw, maayos ang isinasaad

June 10, 2021 Jun I. Legaspi 598 views

FULLY supported ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang panukalang House Bill 9368 para sa ‘no contact traffic apprehension’, ayon kay Atty. Ariel Inton.

Sa isang interview sinabi ni Inton, founder ng LCSP, napapanahon ang panukalang batas na inihain ni Senior Deputy Speaker Doy C. Leachon na may title An Act Regulating the No Contact Apprehension Policy in the Implementation of Traffic Laws, Ordinances, Rules and Regulations.

“Ang LCSP at ang mga kasama nito sa commuter at transport groups ay na nagpapasalamat sa mabilis na action kaugnay sa isyu, umaasa rin ang (LCSP) na mabilis na may maganukala nito sa Senate,” saad ni Inton.

Ayon kay Inton, malinaw at maayos ang isinasaad sa HB 9368 ni Cong. Leachon kung paano maipatutupad sa pagitang ng driver, operator, at traffic enforcer at sa lahat ng mga government agencies involved sa no contact apprehension policy.

Kinikilala ng proposed HB 9368 ang kahalagahan ng no contact apprehension sa pagdidisiplina ng mga drivers at kaayusan ng trapiko. Ngunit binibigyan din ng proteksyon ang mga motorista laban sa maaring pagabuso nito. Ilan sa mga panukala ay ang mga ito.

Kung sakaling may higit sa isang traffic authority ang may jurisdiction sa isang lugar dapat mapagusapan nila ito at magkasundo na ISA LANG ang magpapatupad nito. Hindi rin puede na dalawang huli ( no contact at personal na huli ng enforcer) sa same na violation. Maaring ipakita ng violator na natikitan na siya ng enforcer para hindi ma doble ng no contact.

Ayon pa kay Inton malinaw din sa pagpapadala ng notice nakasaad din ang mga sumusunod na mahalagang detalye tulad ng: 1. Date time and location of the traffic violation, 2. Traffic violation and penalty, 3. Video file/ still images of the violations that shows the plate number or conduction sticker of the vehicle at 4. Date time and place of the hearing of the traffic violation.

Ang notice ay magsisilbing summons kayat dapat tanggapin ito pag may refusal to receive ay deemed served na ang summons. Pag natanggap ang notice ay kailangan umatend sa hearing ng isang Traffic Adjudication Board ang registered owner at ang actual driver upang aminin o i contest ang violation. Kung hindi makapupunta ang driver ay maaaring mag pasa ng affidavit.

Ang Adjudication Board na didinig sa mga kaso ng no contact apprehension kung i contest ng may ari o driver.

Paliwanag pa ni Inton sa sec. 10 ng panukalang batas ay isinaad dito na hindi ang rehistro ng sasaky kung hindi ang lisensya ng pasaway na driver ang maapektuhan sa renewal.

Ayon kay Inton sa ngayon maraming car owners na nabayaran na ang penalty ay hindi pa rin makarehistro dahil sa hindi updated ang system ng nagpapatupad ng no contact at Land Transportation Office. Bayad ka na. Di ka pa makarehistro. Hindi rin ito laban sa mga taxi driver na tulad ng sinabi ng isang grupo dahil hindi lang sa taxi driver ito ipatutupad kung hindi sa may drivers license. Ang traffic violation ay personal sa driver at hindi puedeng ipasa sa may ari. Pag ganoon abay wala ng katatakutan na violation ang mga pasaway na driver dahil hindi sila ang mamumultahan.

AUTHOR PROFILE