BBM In-acknowledge ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suporta ng gobyerno ng India sa paninindigan ng Pilipinas sa pagkontra sa pagiging agresibo ng China sa South China Sea. Sa courtesy call ni Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na matibay ang kanilang posisyon sa South China Sea at kinikilala nito ang validity ng 2016 ruling ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Source: PCO

India kampi sa PH vs China

March 27, 2024 Chona Yu 120 views

BBM1BBM2BBM3Kaugnay sa WPS issue

SUPORTADO ng India ang paninindigan ng Pilipinas sa pagkontra sa pagiging agresibo ng China sa South China Sea.

Sa courtesy call ni Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na matibay ang kanilang posisyon sa South China Sea at kinikilala nito ang validity ng 2016 ruling ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sinabi pa ng Indian official na handang-handa silang maging charter member ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ang mga hakbang laban sa pagiging agresibo ng China sa South China Sea.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na mahalagang development para sa mga Pilipino ang ganitong mga suporta.

Ayon sa Pangulo, may parehong interes ang Pilipinas at India lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Indo-Pacific region.

Isa aniya ang India sa mga bansang katulad ng Pilipinas na tumatalima sa internaional rules-based orders.

Nagpasalamat si Pangulong Marcos kay Jaishankar at tiniyak na ang administrasyon ay patuloy na tatalima sa UNCLOS at sa international rules-based orders.

Samantala, kabilang din sa natalakay ay ang usaping pangdepensa at maritime cooperation.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa India sa pag-rescue nito sa Filipino seafarers mula sa MV True Confidence Ship na inatake ng Houthi rebels kamakailan.

Ilan pa sa pinag-usapan nina Pangulong Marcos at ng Indian official ay ang pagtutulungan sa kalakalan, turismo, food security, healthcare at financial technology.

Pinagtibay din ng dalawang bansa ang commitment sa pagpapalakas ng kanilang strategic partnership.

AUTHOR PROFILE