BBM3 Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pasasalamat kay Indian Prime Minister Narendra Modi sa pamamagitan ni Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar. sa pagpayag ng India sa Pilipinas na makapag-angkat ng bigas.

Suplay ng bigas ng India sa PH malaking tulong ayon kay PBBM

March 27, 2024 Chona Yu 90 views

MALAKING tulong sa suplay sa Pilipinas ang pagpayag ng India na makapag-angkat ng bigas.

Sa courtesy call ni Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, umaasa ang punong ehekutibo na mapalalakas pa ang pakikipag-kalakalan ng Pilipinas sa India sa sektor ng agrikultura

Oktubre ng nakaraang taon, inaprubahan ng India ang pag-export sa Pilipinas ng 295,000 metriko tonelada ng non-basmati white rice.

Ito ang pinakamalaking alokasyon ng bigas ng India sa isang dayuhang bansa matapos tanggalin ang restriction sa tinatawag na specific nations.

Kaya naman ipinaaabot ni Pangulong Marcos ang kanyang pasasalamat kay Indian Prime Minister Narendra Modi sa pamamagitan ni Jaishankar.

Binigyang diiin ng Pango na napaka- halaga ng ganitong tulong o ang pagsu- suplay ng bigas sa bansa sa gitna ng nararanasang tagtuyot dala ng El Nino para matiyak ang sapat na suplay.

Hindi lamang sa mga produktong pang- agrikultura ang pinalalakas na relasyong pangkalakalan ng dalawang bansa kundi maging sa iba pang aspeto tulad ng imprastraktra at depensa.

“I hope… we hope to do better and I hope to continue this trade with India, but not only in agri products but in other [areas]. The ambassador has been working very hard to promote all of these different exchanges and welcome once again,” pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE