Ina kinatay ni mister sa tabi ng 2 anak!

June 9, 2022 Jonjon Reyes 115 views

ISANG ginang ang pinaniniwalaang pinagsasaksak hanggang mamatay ng kanyang ka-live sa tabi ng kanila g dalawang anak Huwebes ng umaga sa Binondo, Manila.

Matapos ang insidente ay pininiwalaan ding inuntog ng suspek ang kanyang ulo sa pader hanggang mamatay ito.

Nakitang walang buhay 7 a.m. ang mag live-in partner na nakilalang sina Aileen Risarosa at Christian Jorel Burgos , kapwa residente ng 845 – K Old Matadero St., Binondo.

Batay sa ulat na isinumite ni Det.Jansen San Pedro at Det.Sir Christian Joseph Pineda kay P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District Homicide Section, ang bunsong babae ng mag-live in na na limang taong gulang at ang panganay anak na lalaki na walong taong gulangau naririnig na umiyak matapos ang trahedya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-inuman ang magka live in nang malasing ang ginang ay tumabi ito ito sa natutulog na mga anak.

Ilang sandali pa lamang ay pinagsasaksak na umano ng lalake ang ginang.

Matapos umanong makitang na gumagalaw si misis, inumpisahan na ni miater ang pag umpog ng kanyang ulo sa pader na siya nitong ikinamatay.

AUTHOR PROFILE