Fire

Kelot sinalba ng panaginip sa Kamatayan

October 5, 2023 Edd Reyes 193 views

Ina, kambal na kapatid, pinsan natusta sa sunog

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang ina, kanyang menor-de-edad na babaing kambal at kanilang pinsang lalaki nang makulong sa nasunog nilang tirahan, Huwebes ng madaling araw sa Taguig City.

Hindi na makilala matapos matusta ng husto ang mga bangkay ng 13-anyos na babaing kambal, kanilang ina, at 21-anyos na pinsang lalaki nang makuha ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Taguig City sa loob ng natupok na isang palapag nilang konkretong bahay sa Gumamela St. Katipunan Village, Western Bicutan.

Sa ulat ng Taguig BFP, sumiklab ang sunog dakong alas-3:54 ng madaling araw na umabot lamang sa unang alarma at walang iba pang bahay na nadamay bago tuluyang naapula ng alas-4:37.

Hindi muna pinangalanan ng mga arson investigators ang mga biktima dahil kailangan muna silang sumailalim sa DNA test bagama’t natagpuan ang sunog na katawan ng mag-iina na magkayap habang nakita na rin ang sunog na bangkay ng 21-anyos na graduating student.

Una ng inakala ng mga kaanak ng biktima na nakaligtas sa sunog ang ina ng kambal at ang kanilang nakatatandang kapatid na lalaki na menor-de-edad din ang natagpuang magkakayakap.

Gayunman, nakumpirma na nakaligtas ang kuya ng kambal matapos magpasiyang makitulog sa bahay ng kaibigan bunga na rin sa mahigpit na tagubilin ng ina na huwag munang umuwi dahil napanagnipang may masamang mangyayari sa kanya kapag umuwi siya ng bahay.

Nalaman lamang ng kuya ng kambal ang nangyaring trahedya nang tawagan siya ng tiyahin at sinabi ang masamang nangyari sa kanyang ina at kapatid.

Wala sa bansa ang ama ng kambal na isang seaman bagama’t nakarating na rin sa kanyang kaalaman ang sinapit ng kanyang mag-iina matapos makontak ng kapatid na babae.

Ayon pa sa ulat, tinangkang iligtas ng mga kapitbahay ang mga biktima nang sumiklab ang sunog sa loob ng bahay subalit nabigo silang makapasok dahil nakakandado sa loob ang pintuan.

Patuloy pang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga arson investigators ng Taguig BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa may P200,000 halaga ng ari-arian.

AUTHOR PROFILE