Bebot Ang naarestong bebot ng mga kapulisan ng MPD Police station.14 matapos na mamataan ito sa Quezon Blvd,Hidalgo St,Quiapo Manila,bitbit ang warrant of arrest dahil sa kasong Cybercrime prevention Act..

BEBOT ARESTADO SA KASONG CYBECRIME PREVENTION ACT SA BISA NG WARRANT OF ARREST

October 5, 2023 Jonjon Reyes 342 views

ARESTADO ang isang 25 anyos na bebot ng mga operatiba ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kaso nitong Cybercrime Prevention act sa kahabaan ng Quezon Blvd,cor.Hidalgo St,.Quiapo Manila kamakalawa ng hapon,.

Kinilala ni Police Lt.Col.Brillante Billaoac station commander ang suspek sa alyas na “Shalom” 25 may asawa residente ng Pilar Estate Sta Ana Manila

Ayon kay Police Capt.Fredwin Sernio pasado alas 5:30 ng hapon ng damputin nila ang akusado kasama ang ilang mga tauhan ng MPD-Barbosa Police Station 14 sa pangunguna ni Police Captain Sernio, hepe ng Investigation Section,

Matapos na mamataan ito sa nasabing lugar bitbit ang warrant of arrest laban sa suspek na inisyo ni Hon.Gina M.Bibat-Palamos Presiding Judge, RTC Branch 111 Pasay City na may Criminal Case no.R-PSY-23-01595-CR para sa Violation of Cybercrime Prevention Act of 2012 sec.(c) no.4 ng RA.105175 na may petsang September 5.2023.

Ang akusado ay kasalukuyang nakakulong sa nasabing himpilan at nararapat na ipaalam sa uri ng kanyang pagkakasala at katunayan na ang isang warrant na inilabas laban sa kanya.at utos ng korte na mag piyansa sa halagang Php.10.000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.,

AUTHOR PROFILE