Default Thumbnail

Ilegal na sabungan muling sinalakay, ipinasara ng PNP

September 30, 2021 People's Tonight 305 views

ISANG araw matapos ipasara ng National Bureau of Investigation (NBI) ang illegal online sabong sa San Leonardo, Nueva Ecija, muli umano itong nagbukas kaya’t nagdagsaan muli ang mga parokyano nito.

Kaagad namang ipinasara ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Chief Brig. Gen. Val de Leon ang naturang illegal live streaming cockfighting sa Mavis sports complex sa nasabing bayan.

Ayon kay Gen. De Leon, “referred for further investigation ang inutos ng piskal kaya pinakawalan din ang mga tao”.

“Pero may mga nagreklamo kasi na kulang ang kanilang kaukulang papel tulad ng notice to commence from PAGCOR, kaya pinahinto namin sila dahil wala silang maipakita ng ganyang papel,” dagdag ni de Leon.

Aniya pa, “may mga nagtimbre sa amin na nagkukumpulan ang mga tao sa loob, e violation ng health protocol yun.”

Patuloy namang inaalam pa ng PNP ang may-ari o mga operator ng iligal na pasugalan dahil hindi nila ito nadatnan doon.

Pero ayon sa ilang source sa PNP, isang opisyal sa probinsiya ang may-ari nito.

Maging si DILG Usec. RJ Echiverri ay nagsabing masusi nilang iimbestigahan ang naturang online illegal sabong.

Tiniyak ni Echiverri na mananagot ang mga taong nasa likod ng operasyon ng ilegall na sugal habang bibigyan naman ng proteksiyon ang mga legal.

Ang mga legal na online sabong Onlin ay nasa ilalim ng superbisyon ng PAGCOR.

AUTHOR PROFILE