Ice

Ice knows his game

April 17, 2024 Joey Aquino 71 views

Ice1ICE Seguerra knows how to play the showbiz game.

Trending ang dating child star sa guesting nito sa ‘Eat Bulaga’ dahil sa kanyang transformation bilang member ng all-girl group; kasama sina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros. The said act was a surprise birthday treat for Vic Sotto. Tuwang-tuwa si Bossing sa ginawang ito ni Ice na nagbihis babae. Umani naman nang iba’t-ibang reaction ang “girl look” ni Ice. “Ice Ganda talaga!”, ang naging caption ni Joey De Leon sa kanyang Instagram post. “Yup. Asawa ko pa rin po sya kahit mas maganda na sya sa kin,” diin naman ng kanyang wife na si Liza Diño-Seguerra sa Facebook post nito.

Ito ang maganda kay Ice. Dahil kahit tuluyan na niyang kinalimutan ang kanyang pagkatao bilang si ‘Aiza’, hindi niya binago ang boses niya para maging tunog lalaki. Kaya patuloy pa rin siyang tinatangkilik ng kanyang fans lalo na ang mga sumuporta sa kanya mula nang maging runner-up sa Little Miss Philippines at maging child wonder hanggang ngayon. He may have embraced masculinity but he never changed her voice to sound manly just to match his looks. Palibhasa matalino kaya hindi niya tuluyang binura ang ‘Aiza’ na minahal ng kanyang fans.

Ice has sucessfully reinvented himself. Aside from singing and acting, he has ventured into directing and producing. He and wife Liza have put up their own production company Fire and Ice Media Productions, Inc. Kaya naman ‘di siya nawawalan ng projects. In fact, Ice is staging his first concert this year, titled “Videoke Hits” which will be held at the Music Museum this coming May 10 and 11.

Following his trending girl transformation, will Ice accept a “woman role” in a film or TV series if offered? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0966-883-2430 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE