Ian

Ian, tsugi sa ‘Huwag Kang Mangamba’

September 27, 2021 Ian F. Fariñas 411 views

HINDI na mapapanood si Ian Veneracion sa bagong chapter ng Kapamilya seryeng Huwag Kang Mangamba.

Ito ang inanunsiyo ng ABS-CBN kahapon.

Sa ipinadalang official statement ng network sa press, sinabi ng management na, “Due to conflicts in taping schedules and his prior commitments, Ian Veneracion will no longer be able to join the new chapter of Huwag Kang Mangamba.

“The series will continue to offer hope and inspiration by taking viewers on a new journey with sisters Mira (Andrea Brillantes) and Joy (Francine Diaz), and introducing fresh characters in its latest chapter.”

ROBI AT AYA, MAY BILIN SA PAGBOTO

Mahahalagang payo tungkol sa pagboto ang ipinabaon ng Star Magic artists na sina Robi Domingo at Aya Fernandez kasama ang Bayan Mo, iPatrol Mo sa ginawang virtual voter education forum kamakailan lang.

Ilang araw bago magsara ang voter registration ng Comelec sa Setyembre 30, pinaalalahanan ni Robi ang mga guro at mag-aaral ng Biliran Province State University sa “Botante Ako! A Voter’s

Education Forum” na mas malakas ang taumbayan kesa sa mga nakaluklok sa posisyon.

Dagdag pa ni Robi, dapat iwasan na ng mga Pilipino na “magpa-scam” dahil walang “return to sender” pagkatapos ng halalan.

“Sana pagdating ng eleksyon, kung sino man ang na-add to cart mo, perfect fit siya sa ’yo at sa values mo,” paliwanag ni Robi.

Ipinaalala naman ni Aya na ang pagboto ay isang solusyon para sa pagbabago.

AUTHOR PROFILE