Daveara

Ara at Dave, anak na lang ang kulang

September 27, 2021 People's Tonight 446 views

FEELING magdyowa pa rin sina Ara Mina at Dave Almarinez sa mga litrato nila sa Instagram kahit magtatatlong buwan na silang kasal, huh!

Handa nang tumanda mag-isa noon si Ara lalo na’t nariyan na ang anak na si Mandy.

“Feeling ko buo na ang pagkababae at pagkatao ko dahil may baby girl na ako. Pero sinasabi ng nakababata kong kapatid na may kulang pa raw sa akin. Kaya napaisip ako, ‘yung destiny ko na lang ang kulang,” pahayag ni Ara.

Hanggang sa dumating sa buhay ni Ara si Dave – ang destiny ng buhay niya.

“Bukod sa pagiging mabait, dalisay talaga ang intention niya at gusto may pinagkakaabalahan para sa kanya, sa pamilya at sa mga taong minsan ay nabibigyan niya ng tulong sa sariling kakayahan,” rason ni Ara.

Sariling anak na lang ang kulang kina Ara at Dave ngayon. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE