Alden

Alden, pinagkamalang ‘bogus’ ni Betong

September 27, 2021 People's Tonight 398 views

BetongPINAKYAW ni Alden Richards ang ibinebenta sa online ni Betong Sumaya na nagkakahalaga ng P50,000!

Inakala nu’ng una ni Betong na bogus ‘yung Alden Richards na nag-shoutout na kukunin lahat ng ibinebenta, ayon sa kuwento ni Betong sa 24 Oras interview.

Nang malaman niyang si Alden talaga ang bumibili, napaiyak siya at pinasalamatan ang aktor.

Agad namang nai-deposit sa bank account ni Betong ang pambayad.

Anyway, congratulations kay Alden sa panalo niyang best actor sa nakaraang Star Awards for Movies ng PMPC para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Abala na rin siya sa taping ng The World Between Us na mapapanood na muli sa November. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE