Sorsogon

‘I Left My Heart in Sorsogon,’ huling soap ni Heart

October 29, 2021 Vinia Vivar 298 views

Mabuti na lang at hindi napikon si Heart Evangelista kahapon nang matanong ng isang netizen sa kanyang pa-Q&A sa Instagram Live kung kailan siya magkakaroon ng anak.

Mukhang nasa mood nga si Heart kaya sinagot niya nang maayos ang tanong.

“I don’t know, I honestly don’t know. I used to plan that, but I don’t (anymore),” sagot ni Heart na naka-smile pa.

Matatandaang kamakailan nga lang ay naglabas ng galit si Heart sa social media sa mga netizen na pine-pressure siyang mabuntis.

Aniya ay tigilan na ang pagsasabi nito sa kanya dahil nasasaktan siya.

Samantala, may nagtanong din kay Heart kung naiimbiyerna ba si Gov. Chiz sa mga vlog niya dahil mukhang naiinis daw ito kapag nakikita ng camera.

Aniya, kung naiinis ang asawa niya sa kanyang pagba-vlog niya ay hindi niya ito gagawin dahil nirerespeto niya ang kanyang partner.

Actually ay pinapanood daw ni Chiz ang kanyang mga vlog at naaaliw daw ito.

Natanong din ang aktres kung bakit niya pinili si Chiz at sagot ni Heart, “Chiz, honestly, has been like my dream crush kind of. I really looked up to him. Before, he was my crush. I really looked up to him back in 2007 pa nga. He is just such a brilliant guy and when I listen to him, I really learn so much.”

Dagdag pa niya, “Yeah, so parang medyo nasindak na ako sa pagka-intelihente niyang tao, so sinubaybayan ko siya for a while.”

Nang tanungin daw siya ni late Sen. Mirriam Defensor-Santiago kung sino ang gusto niyang ma-meet ay sinabi niya si Chiz.

“And so, nilagay siya sa list na ‘yun, and then I met him, and I never got to no. 2 of the list,” sey niya.

Mahaba raw ang listahan ng guys na imi-meet niya that time “and you’d be so surprised sa mga names that I was supposed to meet, and the calls that I got from the guys that Tita Mirriam wanted me to meet was so funny,” kwento pa ng aktres.

Nabanggit din ni Heart na baka last soap na niya ang I Left My Heart in Sorsogon although wala naman siyang sinabing rason kung bakit.

AUTHOR PROFILE