Gerald

Gigi artista na, si Gerald agad ang leading man

October 29, 2021 Aster Amoyo 354 views

GigiNAPAKASUWERTE ng 26-year-old “Tawag ng Tanghalan” contestant ng “It’s Showtime”-turned actress at isa sa talents ng Rise Artists Studio ng ABS-CBN na si Gigi de Lana dahil sa kauna-unahan nitong pagsabak sa acting ay si Gerald Anderson kaagad ang kanyang leading man sa digital series na pinamagatang “Hello Heart”.

Although nagsimula na ang lock-in taping ng nasabing proyekto, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang singer-songwriter, dancer at actress na pati acting ay papasukin din niya.

Alam ng nobyo ni Julia Barretto na baguhan pa lamang sa larangan ng pag-arte si Gigi kaya hindi nagkait ang actor ng pagbibigay ng advice at acting tips sa dalaga.

Kahit baguhan, marami ang pinahanga ni Gigi ng pagiging honest nito nang kanyang aminin na produkto rin umano siya ng “Salamat Po, Doktor” o sumailalim siya ng beauty enhancement like what other stars or artists do.

Marami na ang curious sa siya’y mapanood sa kanyang acting debut in “Hello Heart” nila ni Gerald when it starts streaming.

Diego umaasang magkakayos na sila ni Cesar

NAKATUTUWANG tingnan ang mag-inang Teresa Loyzaga at Diego Loyzaga nang ito’y personal naming makita sa awards night ng “Philippine Faces of Success” ni Richard Hinola sa Teatrino in Promenade, Greenhills, San Juan last Friday evening, October 29 sa kauna-unahang live event na aming dinaluhan. Parehong recipient ng award ang mag-ina at silang dalawa rin ang magka-date nang gabing `yon.

Natawa si Diego nang sabihin namin sa kanya na dapat ang girlfriend niyang si Barbie Imperial ang ka-date niya ng gabing `yon.

“Hanapan mo ako, Tita para hindi ang anak ko ang kasama ko,” natatawang hirit ni Teresa.

Kahit 26 years old na si Diego at naka-bukod na sa kanyang ina, he makes time for his mom and elder brother whenever he has free time.

Kitang-kita sa binata nina Cesar Montano at Teresa ang pagiging inspired ngayon hindi lamang dahil masaya ang kanyang puso dahil sa kasintahan nitong si Barbie kundi dahil sa sunud-sunod na proyekto na ipinagkakatiwala sa kanya ng Viva.

“God is Good, Tita,” nakangiting pahayag ni Diego na mamang-mama (big man) na ang dating ngayon.

Magmula nang mag-sign-up siya with Viva ay halos wala na siyang pahinga dahil sa kanyang sunud-sunod na project with the Del Rosario company.

This year alone ay may ilang pelikulang natapos ang young actor at dalawa rito ay naipalabas na sa streaming platform na Vivamax, ang “Death of A Girlfriend” na pinagtambalan nila ng sexy star na si AJ Raval at ang “Bekis On The Run”. Nakapareha rin siya ng aktres na si Cristine Reyes sa local remake ng Korean telenovela na “Encounter”. Tapos na rin ang lock-in shoot ng first team-up nila ng kanyang girlfriend in a movie under Viva Films, ang “Patungong Tayo” mula sa panulat at direksiyon ng ex-PBB housemate na si Fifth Solomon. May bago rin siyang project na sisimulan sa unang linggo ng November.

Samantala, inamin din ng binata that he tried reaching out to his father na si Cesar Montano lalupa’t alam niyang nagkaroon ito ng matinding sakit dahil sa Covid-19 at gusto umano niyang malaman ang kalagayan nito pero hindi umano siya sinagot ng ama. Nagkaroon man sila ng tampuhan ng kanyang ama, hindi umano ito nangangahulugan na hindi niya ito mahal.

Umaasa si Diego na darating ang panahon na magiging okey silang muli ng kanyang ama at looking forward siya sa kanilang bonding moment na matagal-tagal na rin nilang hindi nagagawa.

KrisKris ngayon lang ikakasal sa simbahan

MUKHANG sinasanay na ni Kris Aquino ang kanyang pangalawa at bunsong anak na si Bimby (14) na maging isang talk show host dahil kay Bimby niya ipinagkakatiwala ang paghu-host sa Q&A portion ng kanyang vlog na ang pinakabago ay may kinalaman sa kanila ng kanyang fiancé, ang politician at dating DILG Secretary na si Mel Senen Sarmiento.

Kitang-kita rin sa recent vlog ni Kris kung gaano ka-close ang kanyang bunso (sa kanyang ex-husband cager na si James Yap) sa kanyang Tito Mel kaya masaya ang “Queen of All Media.”

Bihirang makita sa vlogs ni Kris lately ang kanyang panganay (sa actor na si Phillip Salvador) na si Joshua (26) dahil sa kanilang ancestral house in Tarlac na ito nakatira at his own request.

Sa panayam ni Bimby sa kanyang inang si Kris at sa kanyang Tito Mel, inamin ng huli na secret crush umano niya ang bunsong kapatid ng yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino na siyang nag-appoint sa kanya (Mel) bilang DILG Secretary nang mag-resign si dating DILG Secretary Mar Roxas para kumandidatong Presidente ng bansa.

Ayon sa dating Cabinet Secretary under PNoy, matagal umano niyang itinago ang kanyang pagtatangi sa dating Presidential daughter and sister dahil wala umano siyang lakas ng loob na ito’y ipakita kay Kris. It was only during the wake of the late President na si PNoy when he got reconnected kay Kris at doon na umano siya nagkaroon ng lakas ng loob na ipahayag ang kanyang nararamdam dito.

Ayon kay Kris, una silang nagkakilala ng kanyang fiancé sa Bahay Pangarap kung saan nakatira dati ni PNoy nung ito pa ang Presidente ng bansa. Nagkakasama umano sila sa iba’t ibang okasyon maging sa helicopter pero tahimik lamang umano si Mel at bihirang magsalita. ‘Yun pala ay nahihiya ito at hindi makapagsalita kapag kaharap na niya si Kris.

It was last October 24 nang ibahagi ni Kris sa kanyang Instagram account ang kanilang engagement ni Mel.

Nasa gitna na ang engaged couple sa kanilang sa preparasyon para kanilang planong pagpapakasal na ngayon pa lamang ay inaabangan na ng publiko. The church wedding na hindi naranasan noon ni Kris sa kanyang ex-husband na si James Yap ay mangyayari sa kanila ni Mel.

John LloydJohn Lloyd, Bea huling nagsu-shoot sa BGC

MUKHANG tahimik lamang ang perennial screen partners na sina John Lloyd at Bea Alonzo sa kanilang reunion project dahil namataan ang dalawa na nagsu-shooting or taping sa BGC kamakailan lamang. Agad namang nag-upload ng netizens ang photos na kuha sa kanilang shoot.

It was last July 1 nang lumagda ng network contract si Bea with GMA at napabalita rin ang inaasahang paggawa ni John Llloyd ng isang sitcom sa Kapuso network na pamamahalaan ni Edgar `Bobot’ Mortiz. Kung sakali man daw na gagawa ng project si John Lloyd sa GMA, ito’y on a per program basis at hindi umano network contract. Kung ito’y totoo, nangangahulugan na bukas pa rin siya na gumawa ng proyekto sa kanyang dating home studio, ang ABS-CBN.

(My personal thanks to Sany and Nimfa Chua for providing me John Lloyd and Bea photos).

Subscribe, like, share and hit the bell icon of my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE