Aga

Aga, sangkaterba ang baong wardrobe sa ‘Masked…’ taping

October 29, 2021 Ian F. Fariñas 219 views

ALIW ang kantyawan nina Aga Muhlach at Billy Crawford sa Instagram kahapon.

Balik-taping na nga ang dalawa sa second season ng top-rating musical mystery singing competition ng Viva TV sa TV5, ang Masked Singer Pilipinas, at obviously, excited na sina Aga at Billy sa muling pagsasama sa trabaho.

Matatandaan na isa si Aga sa mga judge ng Masked Singer Pilipinas kasama sina Kim Molina, Matteo Guidicelli at Cristine Reyes.

Si Billy naman ang main host nito.

Ipinost ni Aga sa IG ang bagong bihis na set ng MSP pati na ang sandamukal na wardrobe na baon niya sa taping.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Back to work” at hashtag na #goodtimes.

Hindi nakalagpas sa pansin ni Billy ang nasabing IG post ni Aga kaya nag-comment siya ng, “And you will wear 2 outfits out of the 1000,” sabay lagay ng laughing emoji.

Speaking of Billy, kamakailan lamang ay pinarangalan ang isa pa niyang TV5 show, ang The Wall Philippines, bilang Best Adaptation of an Existing Format (National Winner 2021, Philippines) sa katatapos na Asian Academy Creative Awards.

Sa hiwalay na IG post, pinasalamatan naman ni Billy ang Viva Artists Agency (talent management outfit niya), ang TV5 at ang mentor na si Direk Bobet Vidanes.

“Can’t wait to do the second season!” hirit pa ni Billy sa pa-thank you post.

AUTHOR PROFILE