Frasco

House Deputy Speaker Frasco tuloy ang paglilingkod

February 29, 2024 Mar Rodriguez 90 views

TULOY ang serbisyo ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa kanyang lalawigan kasunod ng pagpapatayo nito ng apat na covered court.

Ginanap ang turnover kamakailan ng covered courts ng San Francisco, Poro, Tuedela at Pilar.

Ipinaliwanag ni Frasco na bagama’t napakaraming trabaho ang kailangan nilang tutukan sa Kamara de Representantes, binibigyan pa rin niya ng prayoridad ang mga proyekto sa kaniyang distrito.

Ayon kay Frasco, kabilang sa kaniyang mga proyekto ang mga bagong Barangay Hall at ang road concreting project.

Nagpatayo din siya ng bagong Barangay Hall sa Barangay Secante Bag-o sa Tudela na nagkakahalaga ng P5 million.

AUTHOR PROFILE