Crime

1 patay, estudyante sugatan sa pamamaril sa Pampanga

February 29, 2024 Bernard Galang 108 views

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang estudyante sa pamamaril sa Sta. Ana, Pampanga ng hindi nakilalang salarin, ayon kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig Gen. Jose Hidalgo Jr.

Kinilala ng ang namatay na si Jaybee Salcedo, 32, ng Purok 2, Brgy. San Isidro. Tinamaan ng stray bullet ang 18-anyos na estudyante, ng Purok 1, Brgy. San Nicolas, kapwa sa Sta. Ana, Pampanga.

Isinugod ng mga rumespondeng pulis ang dalawang biktima sa San Luis District Hospital sa San Luis, Pampanga ngunit idineklarang patay nang dumating si Salcedo.

Batay sa kuha ng CCTV, naghihintay sa lugar ang gunman na naka-green na t-shirt na may khaki sweatshirt. Pagdating ng biktima sakay ng pampasaherong jeepney, pinaputukan siya ng tatlong beses ng suspek at tinamaan ng ligaw na bala ang estudyante.

Pagkatapos ng pamamaril tumakbo patakas ang suspek patungo sa Candaba.

AUTHOR PROFILE