OrMin1 Sinabi ni Pola Mayor Jennifer Cruz na pwede ng maligo at makapangisda sa karagatan ang kanilang mamamayan matapos na malinis ang baybayin mula sa natapong langis noong 2023. Kuha ni Jon Jon Reyes

Dagat sa OrMin toxic-free na

February 29, 2024 Jonjon Reyes 141 views

OrMinIDINEKLARA na toxic-free na ang dagat sa Pola, Oriental Mindoro matapos na lumubog ang motor tanker na Princess Empress may isang taon na ang nakalipas.

Dumalo sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. at ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo sa ginawang deklarasyon.

Namahagi ng financial assistance sa mga naapektuhan ng oil spill maging sa mga kalapit na munisipalidad.

Nagdulot ng hindi bababa sa P41.2 bilyon ang napinsala sa kapaligiran at mga komunidad sa baybayin, ayon sa ulat.

Ikinatuwa ni Mayor Jennifer Cruz ang pagiging toxic-free ng kanilang karagatan.

AUTHOR PROFILE