Shabu Source: File photo

Lalaki nag-eskandalo, timbog sa P68K shabu

May 28, 2024 Gil Aman 92 views

KALABOSO ang inabot ng lalaki na nag-eskandalo noong Lunes ng mahulihan ng isang gramo ng shabu at banggain ng kanyang sasakyan ang dalawang mobile patrol car sa Uni Oil station sa Brgy. Don Jose Sta Rosa City, Laguna.

Sa ulat ni PLt. Col. Dwight Fonte, hepe ng Sta. Rosa police, kinilala ang suspek na si alyas Alvin.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-5:36 ng umaga ng rumesponde ang mga tauhan ng Sta. Rosa police dahil sa pag eeskandalo ng suspek.

Nang dumating ang mga pulis, sumakay ang suspek sa Toyota Hi Ace van (CBD 4573) at hindi pinansin ang pakiusap ng mga pulis pati ng kanyang asawa at binangga ang patrol car habang patuloy ang pagbusina na istorbo sa mga tao.

Matapos maabutan, pinakiusapan na bumaba ang lalaki at nakumpiska ang 1 sachet na may lamang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Sta. Rosa City jail na sinampahan na ng kabit-kabit na kaso ng pulisya.

AUTHOR PROFILE