Default Thumbnail

P1.5M natangay sa store; sekyu hindi napansin

May 28, 2024 Jojo C. Magsombol 77 views

UMAABOT sa P1.5 milyon ang natangay sa isang tindahan dahil hindi napansin ng security guard sa Marcos Highway, Brgy. Inarawan, Antipolo City noong Lunes.

Ayon sa Antipolo City police, natuklasan ng stay-in na empleyado na si Carlos Escandor Ginaga ng Kass Food Corp. na napasok at natangayan sila ng humigit-kumulang sa P1.5 milyon.

Batay sa CCTV footage, bandang alas-6:15 ng umaga isang hindi pa nakikilalang tao ang nakitang lumundag sa bakod ng compound at pumasok sa bukas na bintana.

Pagdating sa loob, sapilitang winasak ang vault at kinuha ang mga pera at mabilis na tumakas.

Ayon kay Ginaga, may security guard na naka-duty noon pero hindi napansin ang mga salarin dahil malakas ang ulan.

AUTHOR PROFILE