Angeline Quinto

Hospital bag ni Angeline, may make-up kit

April 24, 2022 Vinia Vivar 127 views

Ngayong Abril ang kabuwanan ni Angeline Quinto. Ayon sa kanyang latest vlog na in-upload last Friday, araw na lang ang kanyang binibilang at makikita na niya ang kanyang first baby na pinangalanan nilang Aziel Sylvio.

“Dahil araw na lang binibilang ko at manganganak na ako, for this video ipapakita ko sa inyo ang laman ng hospital bag ko. Nakakakaba at nakaka-excite pala to, ang dami ko gustong ilagay na gamit at kung ano ano pa! hahaha,” ang pahayag ni Angeline sa description box ng vlog.

Ipinakita niya sa vlog ang paghahanda niya ng mga gamit na dadalhin sa hospital at talaga kitang-kita na sobrang excited na siya na ma-meet ang kanyang baby boy.

Kumpleto ang baby stuff ni Angeline at sobra-sobra pa nga. Sey nga niya sa title, dala na raw niya ang buong bahay nila.

Bukod sa gamit ng mga baby, ang nakakatuwa ay may make-up kit din siya sa hospital bag na dadalhin. Pati nga raw ang doktor niya ay nagtanong kung bakit siya may dalang make-up.

“Kasi siyempre, mga ka-Twinkle (tawag sa fans niya), unang-unang pagkakataon na makikita ko ‘yung anak ko. Kahit hindi pa niya ako nakikita, maging amoy mabango lang at mukhang amoy maganda, okay na ako,” katwiran niya.

Dahil mag-e-end na rin ang April, ayon kay Angeline, baka ang susunod na vlog na ibabahagi niya sa kanyang fans ay ang kanyang panganganak na.

KANYA-KANYANG MANOK

Kanya-kanyang manok ang ating mga artista ngayong May 9 elections at kapansin-pansin nga rin na mas involved sila ngayon kesa noong mga nakaraang eleksyon.
Sa kampo ng tandem nina Sen. Ping Lacson at Sen. Tito Sotto for President and Vice President, respectively, bukod kina Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Pauleen Luna, Jose Manalo, Wally Bayola, Marissa Sanchez, Ciara Sotto, Iwa Moto at marami pang iba na nagpahayag ng suporta sa kanila, makikita ring sumasama sa kampanya ang nakababatang kapatid ni Zoren Legaspi na si Kier Legaspi.

Sa Instagram ni Kier ay buong ningning niyang ipino-post ang mga larawan ng pagsama niya sa Lacson-Sotto rally.

“Suportado ko ang mga totoo!” sabi ni Kier.

Panay din ang post niya ng mga photo ng mga nakakasama niya sa rally tulad nina Iwa at Ciara.

“So proud to support the two most qualified candidates for this coming election. #5Lacson #9Sotto #votewisely,” sabi pa ni Kier.

AUTHOR PROFILE