Jake Cuenca & Kylie Verzosa

Kylie iniyakan ang paghihiwalay nila ni Jake

April 24, 2022 Aster Amoyo 211 views

HIWALAY na ang magkasintahang Jake Cuenca at ang 2016 Miss International-turned actress na si Kylie Verzosa ending their three-year relationship.

Sa recent guesting ni Kylie sa noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” where she was a guest judge sa isang segment along with Ruffa Gutierrez and Chie Filomeno, hindi napigilan ng beauty queen-actress ang mapaiyak.

Last Friday afternoon at the presscon of “Ikaw Lang Ang Mahal,” a romance-drama film which Kylie co stars with Zanjoe Marudo and Cara Gonzales directed by Richard Somes under Viva Films, she was asked by this writer kung bakit siya umiyak sa “It’s Showtime”. Sandali siyang natigilan at nakiusap na huwag munasiyang tanungin tungkol dito dahil mas gusto niyang mag-focus muna sa movie nila ni Zanjoe.

Nakinumpirma ang paghihiwalay nila sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Even before ng confirmation ni Jake sa kanilang break-up sa kanyang Instagram account ay may cryptic message na si Kylie sa kanyang Twitter account na “Broken” kaya agad nag-speculate ang netizens na may problema sa kanila ng boyfriend.

Sa kabila ng pinagdadaanan ngayon ni Kylie, professional itong humarap sa presscon ng kanyang bagong movie under Viva Films, ang “Ikaw Lang ang Mahal.” The movie is going to be released on Vivamax streaming app on May 20.

Anjanette masaya na ang buhay sa Amerika

MASAYA na ang buhay ng dating beauty queen-actress na si Anjanette Abayari sa Amerika kasama ang kanyang evangelist husband na si Gary Pangan and two talented sons (of different fathers) na sina Aiden (15) at Ashton (12).

Kitang-kita namin kay AJ (Anjanette) ang pagiging contended wife ni Gary and mother to her kids na parehong may hidden talents sa musika. Aiden sings well habang si Ashton naman ay natutong mag-piano on his own. AJ is a visual artist.

Nasaksihan namin ang pagiging close ng kanyang dalawang anak sa kanilang stepdad who treats them like his own. Her eldest Aiden calls Gary ‘father.’

Gary, AJ and her two sons live comfortably in a mansion-like house in Corona, California na parating bukas sa kanilang mga kaibigan. Twice namin napuntahan ang kanilang tahanan na ang huli ay nung Easter Sunday kung saan nag-host ang mag-asawa ng Easter Egg Hunt Party na dinaluhan ng kanilang malalapit na mga kaanak at mgakaibigan. Everyone had fun laluna ang mga bata. Bukodsanapakaraming pagkain, the kids indulged themselves sa iba’tibang activity including swimming. Nagpakitang gilas din ang mga anakni AJ na sina Aiden at Ashton sa pagkanta habang ang mga adult guests ay nauwi sa karaoke na pinangunahan mismo ng couple na sina Gary at AJ.

Ang nakakatuwa sa panganay ni AJ nasi Aiden who is only 15, he sings the classic songs of Frank Sinatra and his contemporaries na hindi naman niya inabutan.

Ang mag-asawang Gary at AJ ay nagkakilala sa isang Bible study. Walang idea ang una sa celebrity status ni AJ except na agad siyang nabighani sa ganda nito. He pursued AJ and Gary proposed to AJ habang sila’y nasa cruise and eventually got married. The former has two grown-up and professional children sa kanyang unang asawa habang dalawa rin ang anak ni AJ.

Although malapit na sa Diyos si AJ bago pa man sila nagkakilala ni Gary, her relationship with God became deeper nang dumating ang kanyang husband.

AJ joined the Bb. Pilipinas beauty pageant in 1991 where she was crowned as Bb. Pilipinas-Universe and to represent the Philippines sa 1991 Miss Universe competition pero there were protests about her citizenship and residency. Ayon sa kanya, she was not dethroned but she resigned. Still, she kept her trophy and sash. Ang naging kinatawan sa Miss Universe ay ang nanalong Bb. Pilipinas-Maja na si Ma. Lourdes `Alou’ Gonzales.

Matapos siyang mag-quit sa Bb. Pilipinas in 1991, she returned to the U.S. But she returned to the Philippines in 1993 para naman subukan ang showbiz kahit hindi pa siya gaanong marunong magsalita ng Tagalog. She was contracted by Viva Flms.

Isa siya sa gumanap sa iconic character na “Darna” in 1994. She also had the opportunity to work with the late movie king Fernando Poe, Jr. twice sa pelikulang “Ang Syota Kong Balikbayan” in 1996 at “Ang Pagbabalik ng Probinsyano” in 1998. Nakatrabaho rin niya ang yumaong comedy king na si Dolphy in “Aringkingking, ang Bodyguard Kong Sexy” at iba pang major leading men in the industry.

Naging kasintahan niya sina Gabby Concepcion, Edu Manzano at ang husband ngayon ng dating aktres at talent manager na siJessica Rodriguez, former athlete na si David Bunevacz kung kanino hindi naging maganda ang kanyang naging karanasan before she finally quit showbiz. But it is now water under the bridge.

“I will never forget my life in the Philippines,” pahayag pa ni AJ.

Jobelle’s life in Las Vegas

ACTRESS Jobelle Salvador is currently based in Las Vegas, Nevada but she frequently travels to Japan (where she stayed for years) where she still maintains her condo unit in Roponggi, Tokyo. And when there are projects in the Philippines ay bumabalik siya ng Pilipinas.

Jobelle has two grown-up children, sina Miko Salvador (by media person Erik Espina) at si Julina na anak naman niya sa Japanese businessman na si Kurita na may-ari ng kilalang chain of restaurants in Japan, ang Botejyu na ang local franchisor in the Philippines ay si Boss Vic del Rosario (ng Viva) with 35 branches in the Phjilippines. Si Jobelle ang nag-connect kina Kurita at Boss Vic. Although matagal nang hiwalay ang aktressa Japanese businessman, nanatili ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kanilang anak na si Julina who is now 23 years old at nag-aaral sa Las Vegas, Nevada.

Kung Mercedes Benz ang gamit na sasakyan ni Jobelle in Tokyo, Japan, she drives a Maserati luxury car in Vegas habang naka-BMW naman ang anak niyang si Julina na napakaganda ng boses.

AUTHOR PROFILE