Default Thumbnail

Holistic leadership sa Quezon province

October 27, 2023 Allan L. Encarnacion 214 views

AllanNOONG panahon ni FM, ang mga barangay health centers ay fully functional. Hindi mo na kailangang magpaospital kung mga basic health needs lang ang kailangan mo dahil may health centers kang maaasahan.

Natatandaan ko noong mga dekada 70s, ang mga barangay health workers ang umiikot sa mga eskinita para magturok ng bakuna sa aming mga musmos.

Natutuwa tayo sa sistema ng pamamahala ni Quezon Governor Doc Helen Tan na nagpapairal ng holistic approach sa kanyang good governance.

Napuntahan natin ang Kapitolyo ng Quezon, binuhay nila ang gusali na naging tanggapan pa pala ni President Manuel L. Quezon!

Sinabi ko sa inyo rito na para makita mo ang klase ng tao kapag pumasok ka sa kanyang tanggapan o tahanan, pasukin mo rin ang kanyang toilet.

Gumamit tayo ng banyo ng provincial capitol, hanep lang ang nasabi kasi parang hotel ang kanilang toilet! Kung gaano nyo nakikitang metikuloso magdamit si Gov Helen, ganoon mo makikita ang kanilang banyo sa linis at ganda.

Gaya ng nabanggit natin tungkol sa health services, bumuo pala si Gov Helen ng Quezon Primary Care Provider Networks (QPCPN) Konsulta Sandbox. Sila ang kauna-unahang probinsiyang nagtatag nito kaya agad itong napondohan ng P72.9 million ng Philhealth.

Ayon kay Dok Gov Helen, nakapaloob sa Konsultasyong Sulit at Tama ang libreng primary care consultation, health screening, assessment, diagnostic services at mga essential medicines.

Kinumpirma ni Gov Helen na sakop ng benepisyong ang lahat ng mga mamamayan ng lalawigan subalit kailangang magparehistro sa mga rural na nakapaloob sa Quezon Provincial Hospital Network (QPHN), gaya ng QPHN-Alabat, QPHN-Bondoc Peninsula (Catanauan), QPHN-Candelaria, QPHN-Claro M. Recto (Infanta), QPHN-Dona Marta (Atimonan), QPHN-Guinayangan, QPHN-Gumaca, QPHN-Magsaysay (Lopez), QPHN-Mauban, QPHN-Polillo, QPHN-Sampaloc, QPHN-San Francisco, QPHN-San Narciso, QPHN-Unisan, at QPHN-Quezon Medical Center.

Nananawagan din tayo sa mga mamamayan ng Quezon na agapan ang pagpaparehistro para makinabang kayo sa pondong pangkalusugan na ito mula sa Philhealth.

Pinasalamatan ni Gov Helen si Pangulong BBM at ang Philhealth sa kanilang pagsuporta sa programang pangkalusugan ng lalawigan.

Buwenas ng mga taga-Quezon province!

[email protected]