Yassi

Hiwalayang Yassi-Jon, walang third party

August 16, 2023 Jun Nardo 238 views

HIWALAY na pala si Yassi Pressman sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA, nilinaw ng aktres na, “Sa totoo lang, matagal na po kasi talaga kami naghiwalay and I’m very, very grateful to Jon. He’s a great person, sobrang mabait po talaga pero sana, people just respect our privacy and siya rin po, very private person.”

Natawa naman siya sa pagkaka-link niya sa presidential son at Ilocos Norte Representative na si Sandro Marcos.

“’Yung nakikita ko po ‘yung kay Sandro, hindi po ‘yon totoo at all. Tawang-tawa nga po kami,” ani Yassi.

Paliwanag pa niya, “Nalagyan lang po ng malisya dahil na-slow-mo, nalagyan ng music.”

Samantala, naglabas na rin ng pahayag si Jon sa socmed.

Dinenay niya ang third party rumors at nakiusap na “let us deal with this in private as we move forward from this.”

Si Yassi ang leading lady ni Ruru Madrid sa series na Black Rider ng Kapuso network.

Bukod sa Black Rider, may movie rin sila ni Ruru, ang Video City, na ipapalabas sa mga sinehan sa September 20.

AUTHOR PROFILE