AiAi

Ai-Ai, gaya-gaya kay Marian

August 16, 2023 Vinia Vivar 207 views

Ang daming naaliw sa video ni Ai-Ai de las Alas na ipinost niya sa Instagram kung saan ay ginagaya niya ang viral “Price Tag” dance ni Marian Rivera sa TikTok.

Pinagtabi pa niya ang video nila ni Marian. Pati nga ang black cap ni Yan ay ginaya rin niya.

“Sa bawat laban ko sa buhay ay hindi ako sumusuko … kaya nagawa ko din naman kahit huli na ..,” aniya sa caption.

Mensahe pa ng komedyana kay Marian, “ok na ko dito hehehehe ilang araw ko nga to inisip konte lang steps paano pa yung bago.”

Maging si Marian ay naaliw sa video at nag-comment ng, “Whoooooooo hahahaha”

Pati ang asawa ni Marian na si Dingdong Dantes ay napa-react ng ‘clapping hands emojis’ na sinagot naman ni Ai-Ai ng “@dongdantes hahahahaha kumpadre pati ba naman ikaw hahahhaha.”

Nag-comment muli si Marian at aniya, “Whahahaha yung plenty kaya mo yun” na ang ibig sabihin ay ang bago niyang video sa TikTok dancing to the tune of “It’s Plenty.”

Sagot naman ng komedyana, “ayoko na kambal plenty of days ko maaral yun .. dami kong labahin at plantsahin pumapasok pako … hahaha.”

So far, nakaka-dalawang viral dance na si Marian sa TikTok. Ang una ay in-upload niya five days ago kung saan ay sinasayaw niya ang “Price Tag” ni Jessie J.

Umabot na sa 95.2 million ang views nito.

Ang ikalawang video na sinasayaw naman niya ang “It’s Plenty” ay in-upload niya nitong Tuesday at in less than 24 hours ay may 24.7M views na.

AUTHOR PROFILE