Janella Salvador CAPTION: Larawan mula sa Instagram/@superjanella

Janella Salvador napilayan, ‘di makalakad ng ilang araw

August 16, 2023 People's Tonight 201 views

NAGBIGAY ng “life update” ang singer-actress na si Janella Salvador sa kanyang fans at inaming nahihirapan siya ngayong makalakad matapos mapilayan ang kanyang isang paa.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram story nitong Martes, Aug. 15 ang mga larawan na nagpapakita na ang kanyang paa ay pilay at may balot ng cast.

“Good news: no broken bones! Bad news: probably really bad sprain,” saad niya sa caption ng larawan.

“Almost fainted after twisting the same ankle I twisted last month,” paliwanag pa ni Janella.

Sinabi rin ng aktres na nasa mabuti naman siyang kalagayan, upang hindi mag-alala ang kanyang mga tagahanga.

“But I’m OK! Just a clumsy not-so-[little] girl who won’t be able to walk properly for a few days,” ani Janella

Kamakailan lamang ay kumpirmadong bibida si Janella sa isang pelikula kasama ang Thai actor na si Win Metawin. “Under Parallel Skies” ang pamagat ng pelikula, patungkol ito sa sa isang lalaking gusto nang mag-move on mula sa “masaklap na nakaraan” ngunit makatatagpo ng isang misteryosang babae na may kaugnayan sa kanyang nakaraan.

AUTHOR PROFILE