Karen na-bash, Kristel nasaktan sa ginawa ng Korean director

August 17, 2023 Aster Amoyo 252 views

Korean1Korean2NA-BASH nang husto ang ex-PBB housemate at DJ na si Karen Bordador (kahit wala siyang kasalanan) nang siya ang ipalit bilang host ng fan meet ng K-drama actor na si Seo In-guk sa New Frontier Theater last Saturday, August 12 na ang original host ay ang singer-actress na si Kristel Fulgar na matagal nang tagahanga ng Korean actor.

During the rehearsal that day, hindi umano nagustuhan ng Korean technical director ang paghu-host ng singer-actress na kulang umano sa energy kaya agad itong pinapalitan ng iba at si Karen Bordador nga ang last minute na kinuha.

Bukod sa paghu-host, dapat ay may duet pa sana sina Seo In-guk at Kristel pero hindi na ito nangyari dahil agad pinalitan ang singer-actress to host the event. Nakiusap pa umano ang Epic Event (local organizer) na kahit hindi na si Kristel ang mag-host ay ituloy pa rin sana ang number nila ng Korean actor pero hindi umano pumayag ang Korean technical director na siya umanong nasusunod.

Maging ang Korean actor ay nabigla sa mga pangyayari.

Nasaktan man si Kristel sa ginawa sa kanya, hindi niya makakalimutan na nagkaroon sila ng bonding moment ng kanyang idolo backstage at nagkaroon umano sila ng instant rapport. Idolo na niya for 11 years si Seo In-guk at marami silang pictures together.

Masakit kay Kristel na hindi man lamang siya sinabihan na lagyan pa niya ng more energy ang kanyangpaghu-host at sa halip ay pinalitan siya agad.

She prepared for it and was there at the venue as early as 7 a.m. pero ganoon lang pala ang magiging treatment sa kanya.

Richard pinaghahandaan ang bakasyon kasama si Sarah at mga anak

RichardRichard1Richard3TULAD ng top-rating primetime series na “Dirty Linen,” malapit na ring magtapos ang isa pang hit primetime series ng ABS-CBN, ang “Iron Heart” na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez kasama sina Albert Martinez, Jake Cuenca, Sue Ramirez, Dimples Romana at marami pang iba.

For the longest time, Richard was a Kapuso until his transfer to the Kapamilya on May 31, 2017 at ang unang serye na kanyang sinalihan ay ang 2017 hit primetime series na “La Luna Sangre” kung saan niya nakasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, among others. It was also the first time that Richard played lead villain in a series. On July 6, 2020, si Richard ay naging bahagi ng “FPJ’s Ang Probinsiyano,” another top-rating action drama series ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Coco Martin.

Another contravida role ang ginampanan ni Richard na siyang naging preparasyon niya sa kanyang kasunod na serye sa Kapamilya, another hit primetime action-drama series kung saan siya naman ang lead character.

Ang mga intense action scenes ni Richard sa “FPJ’s Ang Probinsyano” prepared him for “Iron Heart” where he’s playing two different characters as Apollo Adelantar and Olimpio `Tisoy’ Custodio.

Super proud sa kanya ang misis na si Sarah Lahbati, pati na kanyang parents na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama maging ang kanyang ate na si Ruffa Gutierrez dahil sa ipinamalas niyang husay sa “Iron Heart” ng Star Creatives.

Hindi man natuloy ang unang serye na pagtatambalan nila ni Bea Alonzo (who later moved to GMA), ang romance drama series na “Kahit Minsan Lang,” naging blessing in disguise ito for Richard dahil sa kanya ipinagkatiwala ang “Iron Heart” na isang action-packed drama series.

Thankful si Richard sa kanyang mga director, production team at bumubuo ng cast.

Looking forward naman ang actor to his vacation break with his family – ang kanyang misis na si Sarah Lahbati at dalawang anak na sina Zion (10) at Kai (5).

David ginaya si Robin sa bagong series nila ni Barbie

DavidDavid1David2BREAKOUT loveteam ang tambalan ng Kapuso stars na sina Barbie Forteza at David Licauco matapos kagatin ng mga manonood ang kanilang tambalan sa “Maria Clara at Ibarra” series na nagtapos sa ere nung nakaraang Pebrero.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa tambalan nina Barbie at David, pinagkatiwalaan ang dalawa ng isang serye na silang dalawa ang mga pangunahing bida, ang TV adaptation ng hit movie noong 1991 nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, ang “Maging Sino Ka Man” na pinamahalaan ng yumaong actor-director na si Eddie Rodriguez.

Kasama nina Barbie at David sa nasabing serye sina Juancho Trivino, Rain Matienzo, Mikoy Morales (2023 Cinemalaya Best Actor), E.R. Ejercito, Jeric Raval, Jean Garcia at iba pa mula sa direksyon ni Enzo Williams.

Bukod sa bagong serye, may upcoming movie rin ang dalawa, ang “That Kind of Love” na pinamahalaan ni Cathy Camarillo.

Samantala, since ang movie version ng “Maging Sino Ka Man” ay si Robin Padilla ang leading man ni Sharon Cuneta bilang si Carding, sumailalim si David ng pagsasanay sa kanyang mga action scene. Maging si Barbie ay humanga sa dedication na ipinakita ni David sa kanilang bagong serye.

Francine, Seth may bagong series sa iWant

FrancineSettFIRST team-up bilang magkapareha nina Francine Diaz at Seth Fedelin ang “Dirty Linen” na malapit nang magtapos sa ere at tiyak na matutuwa ang mga tagahanga ng FranSeth dahil meron silang bagong serye, ang iWant TFC original series na “Fractured.”

Kasama ng dalawa sa nasabing serye sina Sean Tristan, Raven Rigor, Daniela Stranner, Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma with Jennica Garcia and Mylene Dizon, KaladKaren among others. Ito’y jointly produced ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment and KreativDen. Isa itong suspense-thriller na pinamahalaan ni Thop Nazareno.

Since nasa bakuran din ang Star Magic ng ABS-CBN si Andrea Brillantes, magkaroon kaya ng proyekto na silang tatlo ang mga pangunahing bida na love triangle ang tema? After all, naging magkasintahan noon sina Andrea at Seth na tumagal din ng dalawang taon.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE