Aga

Hiwalayan sa showbiz ikinalungkot ni Aga

February 17, 2024 Vinia Vivar 96 views

Inamin ni Aga Muhlach na hindi mawawala ‘yung may mga babaeng nagpaparamdam sa kanya kahit na nga happily married na siya kay Charlene Gonzalez pero ang importante ay hindi siya nagpapadala sa tukso.

“Mas masarap tahimik,” aniya sa kanyang panayam sa vlog ni Ogie Diaz.

“I think it’s important also, hindi naman po ito advice but parang sa akin lang, is when I made a decision to marry, it’s because number one, I wanted to settle down already. Number two, I love the girl. I didn’t marry just to get married. I married because I want her as my partner for life,” sey pa niya.

Ayon pa sa aktor, ang desisyon niya na pakasalan si Charlene ang best decision na nagawa niya.

“That decision that time up to now was the best decision I ever made,” sambit niya.

Nalulungkot umano siya kapag may naririnig siyang mga couple na naghihiwalay.

“Nalulungkot talaga ako. Kasi I know how it is to have a family, to marry and to have kids. It’s fun, it’s nice. It’s supposed to be nice.

“If it’s not working naman talaga, I think it’s okay to separate. If it’s not working, why be together? Marami nang nangyaring ganyan na naghiwalay noon at nakapaghanap sila ng bagong partner nila na ngayon ay happily married forever,” ang take ni Aga tungkol sa hiwalayan.

“Kung pareho kayong hindi masaya, eh, ba’t kayo magkasama? Para sa mga anak? Parang hindi ako naniniwala yata doon kasi nakikita ng mga bata ‘yan, eh.

“I think it’s added stress for the children because love should overflow from the parents down to the kids. Love is not salita, love is action,” saad pa ni Aga.

AUTHOR PROFILE