Kathryn

KATHRYN, NAKIPAG-V-DAY KAY TAYLOR SWIFT

February 17, 2024 Vinia Vivar 97 views

Sa Melbourne, Australia nag-celebrate ng Valentine’s Day si Kathryn Bernardo kasama ang kanyang BFF na si Arisse de Santos.

Makikita sa Instagram Story ng aktres ang naganap na Valentine’s dinner nila sa Australia kasama ang ilan pang mga kaibigan.

Pero ang pinakamalaking dahilan talaga ng pagpunta ni Kathryn sa Melbourne ay para manood ng first night ng concert ni Taylor Swift na The Eras Tour.

Ipinost ni Kath sa kanyang IGS ang video habang excited silang pumapasok sa entrance ng venue ng concert.

Matagal nang inamin ni Kath na big fan siya ni Taylor Swift making her a Swiftie (tawag sa fandom ng American singer).

Bago umalis si Kath ay tinapos muna niya ang ilang trabaho tulad ng mga photoshoot endorsement.

AUTHOR PROFILE