Mclisse

McLisse fans kinilig sa ‘kili-kili kiss’

February 17, 2024 Vinia Vivar 132 views

Pinakilig nina McCoy de Leon at Elisse Joson ang kanilang McLisse fans nang mag-post ang aktres ng video ng kanilang Valentine date.

Capton ni Elisse, “pov: yung date mong puro tawa.”

Mapapanood sa video ang bonggang dinner date ng McLisse sa isang restaurant at kitang-kita na masayang-masaya sila’t panay ang tawanan nila habang kumakain.

Sa isang bahagi ng video ay makikitang hinalikan pa ni McCoy ang kili-kili ni Elisse na kinakiligan talaga ng kanilang fans.

“Gusto ko yung halik sa kilikili hahhaa super genuine na talaga ng pagmamahalan nyo.. very comfortable sa isat isa,” sey ng isang netizen.

“Bet ko yung kilikili kiss ba,” sabi naman ng isa pa.

Wish ng fans na huwag matulad sina McCoy at Elisse sa mga showbiz couple na nauwi sa hiwalayan ang relasyon.

Matatandaan na dumaan din sa pagsubok ang relasyong McLisse at pansamantalang naghiwalay noong nakaraang taon. Pero siguro nga ay mahal talaga nila ang isa’t isa kaya binigyan nila ng isa pang pagkakataon ang kanilang relasyon lalo pa nga’t may isa na silang anak.

AUTHOR PROFILE