Default Thumbnail

Higit P.3M shabu, nasabat sa ‘tulak’ sa Taguig

June 7, 2023 Edd Reyes 264 views

ARESTADO ang lalaking kabilang sa listahan ng mga “notoryus na tulak” ng iligal na droga nang matuksong magbenta ng P80,000 halaga ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer Martes ng hapon sa Taguig City.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Kirby John Kraft, dakong alas-3 ng hapon nang dakmain ng mga tauhan ng Taguig Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) si alyas “Salodin,” 40, nang tanggapin ang markadong salapi, kapalit ng ibinentang shabu dakong alas-3:30 ng hapon sa parking lot ng isang mall sa Barangay Western Bicutan.

Nakuha sa suspek ang tinatayang 50 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P340,000 at ang markadong salapi.

Umaasa naman si Kraft na makikipagtulungan sa pulisya ang suspek upang matukoy ang pinagkukuhanan niya ng ibinebentang iligal na droga.

Nagpaabot naman ng kanyang papuri si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Edgar Alan Okubo sa mga tauhan ng Taguig City Police Station sa matagumpay na operasyon at pagkakaaresto kay Salodin na kabilang sa “high-value individual” (HVI).

AUTHOR PROFILE