OSMAL

High tech med apparatus nasa OSMAL na

March 21, 2024 People's Tonight 86 views

PINASINAYAAN ng Malabon ang unang 2-dimensional (2D) Echocardiography Services, Digital Radiography at 4-dimensional Sonography sa Ospital ng Malabon (OSMAL) noong Marso 21.

Kinabibilangan ng mga bagong digital panel para sa digital radiography (x-ray), 3D/4D-capable Sonography (ultrasound) at ang unang 2D Serbisyo ng Echocardiography sa OSMAL ang mga bagong kagamitan sa radiology na binasbasan sa panahon ng programa at tinawag na “Emerging Trends in Radiology: Welcoming Digitalization.”

Tutulong sa pag-detect ng mga sakit sa puso at paghinga ang mga makinang ito gayundin ang mga obstetrics at gynecologic na alalahanin ng mga Malabueño, bukod sa marami pang iba.

Maaaring magamit ng mga Malabueño ng libre ang mga serbisyo ng medical apparatus.

“Napakalaking tulong ng mga bagong equipment na ito para mas matulungan pa natin ang mga Malabuenong may sakit o karamdaman sa puso,” ayon kay Mayor Jennie Sandoval.

Ayon kay OSMAL Chief Dr. Jennifer Jane Amolo Lim, gagawing digitalized ang mga serbisyo ng radiography ng ospital para sa lahat ng Malabueño.

Idinagdag niya na gumagamit ng mga soundwave sa pag-detect ng mga sakit sa puso ang apparatus.

“Makakaasa po ang Malabueños na patuloy ang Ospital ng Malabon na nagsusumikap upang makapagbigay ng mas marami pang “service-upgrades” sa hinaharap, upang hindi na iisipin pa ng Malabueños kung paano ito makakamit,” sabi ni Dr. Lim.

AUTHOR PROFILE