Ruffa

Herbert, naiiba sa lahat — Ruffa

April 25, 2022 Ian F. Fariñas 108 views

ANG senatorial aspirant na si Herbert Bautista ang isa sa mga nagpapa-glow kay Ruffa Gutierrez sa ngayon.

Ito ang direktang isinagot kahapon ng aktres sa formal launch ng bago niyang negosyo, ang Gutz & Glow lifestyle brand para sa women on the go.

“Well nagpapa-glow siya (Herbert) sa akin because he motivates me and he guides me. I think that’s really what I need right now, ’di ba? So, tama ’yung sinabi niya sa isang interview na we motivate each other and we are in a mature relationship.

“Mature, ano ba ibig sabihin nu’n? Imagine, ha, I haven’t been in school for more than 30 years and when we first met sa set ng The House Arrest of Us, in-encourage niya ako, sabi niya, ‘you know what? I really wanna to do master classes, short courses,’ ‘hindi, ba’t ayaw mo tapusin ang college? Matalino, ka, kaya mo pang tapusin ’yon.’ Parang I was telling myself pa, ‘can I really do it pa ba?’ And sabi niya, ‘why not, ’di ba? So with him encouraging me, I was able to finish a college degree, I’ll be graduating in July, and, you know, my kids are so proud of me. So, i think, ano, ang kailangan natin sa buhay natin ngayon para mag-glow tayo, eh, ’yung nagbibigay sa atin ng encouragement and hindi stress, ’di ba? With all the stressful things happening in our lives right now, he doesn’t give me stress he just makes me glow and that’s what we need.

“Naiiba si Herbert sa lahat, because he’s not the typical guy who just wants to bring me to the bedroom, you know, he’s the type of guy who’s very slow, he’s very respectful to my parents, he’s very respectful to my kids, and sometimes he comes to my house and seven hours kaming nag-aaral.

“Hindi makapaniwala ’yung mga kaibigan kong Marites ‘ano bang ginagawa n’yo d’yan?’ Akala may ganap na. ‘Girl, ’wag kayong excited, nasa step 1 pa lang kami, ’wag nyong pangunahan, ’di ba, kasi ’yung mga tsismis parang nasa step 20 na kami, eh, ’di ba? Nag-on na kami, nagbuntis na ako, nagpakasal, nakunan, nagbi-build na kami ng bahay. We’re just in the process of getting to know each other, and you must remember, I’m a long-termer and my last relationship was seven years and I just wanna take my time. I’m not into whirlwind romances, I want things slow and steady.

I’m not dating other guys because I’m focused on my career right now and I’m focused on improving myself and I’m just so thankful that Herbert has the same goals,” mahabang paliwanag ni Ruffa para matapos na ang haka-haka ng mga Marites.

Pati kasal, wala pa raw sa plano nila, “It’s a very relaxed and happy companionship,” dagdag niya. Samantala, available via online ang mga produkto ng Gutz & Glow gaya ng Butt and Body Scrub, Disinfectant Hand Soap, Feminine Lightening Spray Mist, Luminous Hand Cream, Lustrous Hand Sanitizer, Blazing Hand Sanitizer, Makeup Remover Wipes at Intimate Feminine Wipes.

AUTHOR PROFILE