Vice

Vice, nag-sorry sa dirty finger

April 25, 2022 Vinia Vivar 194 views

Kaagad na humingi ng dispensa si Vice Ganda matapos mahagip ng camera ang pagsenyas niya ng “dirty finger” sa live broadcast ng It’s Showtime noong Sabado.

Nagbibiruan kasi si Vice at co-hosts na sina Vhong Navarro and Ogie Alcasid sa segment na “Showtime Sexy Babe” pero mukhang nakalimot ang Unkabogable Star na nasa telebisyon siya’t bigla na lang sumenyas ng dirty finger kay Vhong.

Kitang-kita rin na nagulat si Vice na nakunan ng camera ang kanyang ginawa.

Good thing, na-realize naman ni Vice ang pagkakamali at bago matapos ang show ay nag-public apology siya.

“Bago ang lahat, gusto ko munang humingi ng paumanhin dahil kanina naghaharutan kami ni Vhong Navarro at meron akong naibunton na hindi maganda kaya humihingi po ako nang paumanhin.

“Bad, bad, bad… that’s very bad, oo. Pero ayun, paumanhin po,” pahayag ni Vice.

PINAGSISISIHAN

Inamin ni Rhian Ramos na may pinagsisisihan siya sa kanyang buhay pag-ibig.

Tinanong kasi siya sa guesting niya sa Mars Pa More kung ano ang biggest regret niya sa love life at sagot ng Kapuso actress, “’yung binigay ko lahat.”

Pero ang mas nakakaaliw na tanong sa kanya ay kung ano raw ang initials ng artistang ayaw na niyang makatrabaho ulit.

What she did ay ibinulong na lang niya host na si Camille Prats.

Then she said, “Bever again (na papayag siyang makatrabaho ang artista).”

Hindi na siya pinilit pangalanan kung sino ito pero ipinakwento sa kanya briefly kung bakit ayaw na niyang katrabaho ang artistang ito.

Ayon kay Rhian, nadadala raw kasi sa trabaho ng artistang ito ang problema sa personal life at naaapektuhan pati ang mga katrabaho.

“Hindi lang kasi hanggang work, parang naa-affect lahat like nadadala ‘yung personal life,” aniya.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Rhian sa GMA afternoon series na Artikulo 247 with Kris Bernal and Benjamin Alves.

AUTHOR PROFILE