Florante

Florante gustong bumalik ng Pilipinas

April 25, 2022 Aster Amoyo 319 views

IN our two-week recent vacation in California, USA ay sandali naming nakausap ang `70s OPM icon nasi Florante de Leon, ang L.A.-based Filipino singer-guitarist and songwriter na nagpasikat ng classic hit song na “Handog,” among other songs . Malungkot nitong ibinalita sa amin ang paglisan ng kanyang mahal na misis na matagal nang may sakit at kanyang personal na inalaagan hanggang sa huli. Ang kanyang maysakit na asawa ang dahilan kung bakit hindi makatanggap ng singing engagement ang singer-songwriter noon.

Ngayong pumanaw na ang kanyang wife, gustong balikan ni Florante ang kanyang singing career. Marami rin umano siyang sinulat na mga bagong kanta which he hopes to record someday.

Kilala si Florante sa kanyang mga mga socially-relevant songs tulad ng “Handog,” “Ako’y Pinoy,” “Pinay,” “Musika,” “Awiting Sariling Atin,” “Bahay,’ “Ibon,” “Ako,” “Gitara Ko,” “Digmaan” at iba pa.

Since may magandang offer sa kanya ang Viva Records, Florante might just fly in to discuss personally with Boss Vic del Rosario for possible recording and music projects.

MichaelMichael muling nag-asawa

REMEMBER singer Michael Laygo na alaga noon ng veteran entertainment journalist and talent manager na si Kuya Boy de Guia?

Si Michael ay matagal nang naka-base sa Las Vegas, Nevada at widower sa misis na si Joyce na sumakabilang-buhay nung June 20, 2018. Naging comatose si Joyce sa loob ng dalawang buwan at nagkaroon ng 40 strokes. It was a struggle for Michael and their four children na sina Micaela, Michelle, Julyanna at John Michael.

Nung September 22, 2019, Michael married Maria Alma Paman na annulled na ang kasal sa unang mister and she has three boys.

It was in 2005 nang mag-relocate sa Las Vegas, Nevada si Michael with her family. Naging lead vocalist din siya ng iconic Filipino group in America, ang Society of Seven na pinagmulan ng yumaong ama ng Concert King nasi Martin Nievera na si Bert Nievera at iba pang veteran singers tulad nina Jun Polistico at ang yumaong si Gary Bautista. Not too long ago ay punanaw narin ang founder at isa sa original members ng band na si Tony Ruivivar at age 79.

Ang Society of Seven Band ay considered na Best Band in Hawaii and America’s Premiere Band which was founded in 1969. The band regularly performs at the Outrigger Hotel in Hawaii alternating sa Las Vegas, Nevada where they also have a strong following.

Dahil sa pandemic, sandaling natigil ang performance ng band but will have to regroup dahil may edad na rin ang isa samga original members na otsenta na ang edad.

Si Michael ay nagtatrabaho ngayon bilang postman sa Las Vegas and looking forward to resume his singing career ngayong bukas na ang entertainment venues in Vegas.

Si Michael ang nagpasikat ng awiting “Minahal Kita” under Northern Sky Records and distributed by BMG Records in 1997. Naging bahagi siya ng youth-oriented program na “Starbrighters” produced by Kuya Boy de Guia at naging bahagi rin siya ng programang “Cinemascoop”.

Fifteen years old pa lamang siya noon nang siya’y mag-perform sa mga night spots along Roxas Blvd. tulad ng Eduardo’s (owned by the late Eddie Tajonera). Ang entertainment writer at talent manager na siJ obert Sucaldito ang naka-discover sa kanya and was introduced to Kuya Boy de Guia.

Michael has a new song entitled “Make Be Believe” na kinompos ng veteran composer nasi Jimmy Borja.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring idea si Michael kung buhay pa ang kanyang dating mentor and former manager na si Kuya Boy de Guia na ilang beses umano niyang hinanap sa tuwing siya’y magbabakasyon sa Pilipinas.

SnookySnooky1Snooky2

Ang kuwento sa likod ng proposal ni Mon kay Snooky

IT was on April 1 ng hapon nang tawagan kami ng businessman at congressional candidate sa ika-anim ng distrito ng Bulacan (Norzagaray, Sta. Maria at Angat) na si Ramon `Mon’ Villarama (dating Board Member at Vice-Governor ng Bulacan) . Hindi raw ako puwedeng mawala on April 4 (Monday) ng hapon sa kanilang bahay sa Angat, Bulacan dahil may malaking sorpresa umano siya sa kanyang longtime girlfriend, ang aktres na si Snooky Serna.

Ang plano kong over-night stay sa mansion in Baguio ng successful businessman at tinaguriang “Lord of Scents” na si Joel Cruz ay hindi natuloy nung April 3 ay naging balikan lang dahil sa imbitasyon sa amin ni Mon .

Nang dumating kami sa bahay ni Mon, inabutan namin doon si Snooky, her two daughters na sina Samantha at Sachi (sa kanyang ex-husband, ang actor na si Ricardo Cepeda) her brother Anton, her Tita Eden, Mon’s sister and brothers and his supporters. Pero wala silang idea samangyayari that evening except Mon, his trusted leader and myself naitinaonsa ika-56th birthday ng actress. All they knew ay birthday celebration `yon ni Snooky.

Since hindi nakarating sa nasabing okasyon si Direk Bam Salvani (director ng “Mars Pa More” ng GMA) at malapit na kaibigan ni Snooky, kami na ang nag-ayos. Inilabas namin ang mesa kung saan nakalagay ang birthday cake ng aktres at isa-isa namin tinawag ang magkabilang-pamilya nina Mon at Snooky habang nakamasid ang mga kaibigan at supporters ni Mon. Matapos kantahan si Snooky ng `Happy Birthday,’ inabutan ito ng businessman-politician ng isang arm bouquet kasunod ang isang big red heart-shaped box kung saan nasa loob ang isang small box na naglalaman ng engagement ring. Binuksan ni Snooky ang box at nakita niya ang ring intended for her. At this time ay kinuha ni Mon ang small box na naglalaman ng ring at sabay luhod asking the actress to marry him.

Hindi agad nakapagsalita si Snooky at ito’y naiyak sabay yakap sa nobyo at saka lamang niya eventually nabanggit ang katagang `Yes’! Nagulat ang lahat including the respective families ng engaged couple, leaders, coordinators and supporters ng businessman-politician.

Ang proposal ay sinundan ng fireworks na ikinatuwa ng lahat.

Samantala, teary-eyed si Tita Eden sa kaligayahan dahil muling nakatagpo ang kanyang paboritong pamangkin ng lalaking mamahalin at nagmamahal sa kanya nang husto. Masaya rin for Snooky ang kanyang dalawang grown-up daughters sa kanyang ex-husband na si Ricardo.

SUBSCRIBE, like, share and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE