Heart

Heart, napika sa netizen!

January 15, 2022 Vinia Vivar 228 views

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan si Heart Evangelista ng mga Marites sa katatanong sa kanya tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Good thing, talagang palaban naman si Heart sa mga netizen. Nagtataray siya kung kailangan, lalo kung medyo hindi maganda ang pagkakatanong sa kanya.

Pero ’pag nasa mood naman siya, tinatawanan na lang niya ang mga makukulit na Marites.

Sa latest TikTok video ni Heart, halatang imbyerna siya sa pagsagot for the nth time sa netizen na nagtanong kung bakit hindi sila magkaanak.

“Ayoko, eh,” iritada niyang sagot.

“Kulit ha,” sey pa niya sa caption.

“Chill. Not your uterus,” saad pa niya.

Pagtataray pa ng aktres, “Didn’t anyone teach you manners? If I am not sad about it then why are you even…”

Litanya pa niya, “Being a mom shouldn’t be the only source of happiness. What are you going to do when your kids have their own lives?”

Oo nga naman. Agree!

AUTHOR PROFILE