Kris

Kris, lilipad pa-Amerika para sa ‘medical emergency’

January 15, 2022 Vinia Vivar 229 views

Inaasikaso na ang pag-alis ng bansa ni Kris Aquino for medical emergency. Ayon sa balita ni Cristy Fermin sa kanyang online show na Cristy Ferminute, tinutulungan na raw ito ng gobyerno para makalipad patungong US.

“Tinutulungan na siya ng mga taga-gobyerno para makalipad agad ng Amerika. Kasi magkakaroon talaga ng medical emergency, ‘yun ang ginagamit nila, ‘medical emergency.’

“Akala ko matutuloy siya sa Singapore… Eh, pa’no nga, eh, umuwi naman siya na wala rin namang nangyari, ‘di ba? Hindi rin natunton kung saan nanggagaling ‘yung kanyang sakit. So, iiba naman siguro siya ngayon,” pagbabalita ni ’Nay Cristy.

Halatang worried na rin ang batikang manunulat/radio & TV host sa nakitang hitsura ni Kris sa huling larawan at videos na ipinost nito.

“Sobrang payat. Saka ‘yung braso niya, parang… saka ‘yung mukha niya talaga, ‘yung pisngi niya, lumubog na. Talagang, talagang bagsak ang weight niya ngayon,” pahayag ni ’Nay Cristy.

“Nakakaawa,” sambit pa niya.

Sana nga raw ay malampasan ni Kris ang pinakamatinding hamon na ito sa buong buhay ng aktres/TV host.

“Lahat naman nalalampasan niya, eh. Sana kasama ito,” saad ni ’Nay Cristy.

AUTHOR PROFILE