Ivana Alawi

Ivana hindi nakaligtas sa virus

January 16, 2022 Aster Amoyo 237 views

ANG twenty-five-year-old sexy star and top vlogger na si Ivana Alawi ang isa sa mga latest among the celebrities na nag-positibo sa coronavirus na mukhang nahawaan ng kanyang inang si Fatima Marbella na siyang unang na-contract ng virus. Nagpositibo rin sa Covid-19 ang kaisa-isang kapatid na lalake ni Ivana na si Hash (Hashim) habang negatibo naman ang resulta sa test sa dalawa pa niyang kapatid na babae na sina Amira at Mona.

Ang ipinagtataka lamang ni Ivana ay sobra umano nilang ingat ng kanyang pamilya at halos hindi na umano siya lumalabas ng bahay pero just the same ay nahawaan pa rin sila ng virus.

Sina Ivana, her mother and brother ay pare-parehong naka-isolate ngayon sa kanilang bahay.

Si Ivana ang maituturing na top Filipino female celebrity vlogger with 14.8M to her credit.

Vico Sotto

HINDI rin naligtas ang batang mayor ng Pasig na si Mayor Vico Sotto na siya ring nagbalita na siya’y nahawahan din ng virus at kasalukuyang naka-quarantine. Pero sa kabila nito ay patuloy ang kanyang trabaho remotely.

Kung siya’y nakaligtas sa Delta variant dati matapos mag-positibo ang kanyang driver, hindi naman siya nakaligtas sa Omicron variant na mas mabilis makahawa.

Ipinapakiusap pa rin ng alkalde ang patuloy na pag-iingat, ang pagpapabakuna at ang pagsunod sa mga ipinapatupad na health protocols.

‘Mamasapano’ tapos na

PERSONAL na ibinalita sa amin ng kilalang lawyer-turned movie producer na si Atty. Ferdie Topacio na natapos na finally ang filming ng true-to-life movie na “Mamasapano” na pinangungunahan mismo ni Edu Manzano playing the role of Gen. Benjamin Magalong along with Aljur Abrenica , Paolo Gumabao, Gerald Santos, Myrtle Sarrosa, Ritz Azul at Rez Cortez (who plays the role of Gen. Allan Purisima). Kasama rin sa powerhouse cast sina Alan Paure (as Chief Getulio Napenas), Juan Rodrigo (as Sec. Mar Roxas), Jojo Alejar, Rey `PJ’ Abellana, Jojo Abellana, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Vince Rillon, Kate Brios, LA Santos, Liz Alindogan, Jay Garcia, Tom Olivar at iba pa. May special participation sa pelikula si Claudine Barretto. Ito’y mula sa panulat ni Eric Ramos at magkatulong na dinirek nina Lawrence Fajardo at Lester Dimaranan.

Ang “Mamasapano ” ay totoong kuwento at pangyayari ng Special Action Force (SAF) anti-terrorist operation na naganap nung January 25,2015 na naging daan ng pagkamatay ng 44 SAF commandos na nangyari mismo sa Tutanalipao, Mamasapano, Maguindanao. The operation was intended para mahuli o mapatay ang most wanted Malaysian terrorist at bomb-maker na si Zulkifir Abdhir at iba pang Malaysian terrorists at high-ranking officials ng Bangsamolro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Alden Richards

Alden pinaghahandaan ang bagong docu-concert

PINAGHAHANDAAN ngayon ng Kapuso prized actor na si Alden Richards ang kanyang kauna-unahang docu-concert na pinamagatang “ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.” to be directed by Frank Lloyd Mamaril and will be streamed on January 30 (Sunday) at 8 p.m. Ang proceeds ng concert ay lahat mapupunta sa AR Foundation ni Alden. Special guest performers ang Manila String Machine at ang The UST Singers.

After he celebrated his 30th birthday last January in the US together with his family, fully-recharged na naman ang singer-actor at celebrity endorser na harapin ang hamon dala ng taong 2022 at mga naka-line-up na proyekto ngayong taon.

Ngayong trenta na si Alden at isa na ring established entrepreneur, umaasa naman ang kanyang mga fans na sana’y makatagpo na rin siya ng babaeng kanyang mamahalin and eventually, makakatuwang sa buhay.

Samantala, kailan kaya sisimulan ang first movie nila ng bagong Kapuso na si Bea Alonzo, ang Philippine adaptation ng K-movie na “Moment to Remember” base sa 2001 Japanese drama na “Pure Soul”. Balitang pinalitan na rin ang titulo at ginawang “Special Memory”? Ang nasabing proyekto ay joint production ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment na siyang may hawak ng movie contract ni Alden.

Ex-wife ni Jose pumanaw na

IPINAALAM ng magkapatid na Nicco at Myki last January 14 ang pagpanaw ng kanilang ina, ang ex-wife ng kilalang singer, actor-comedian at TV host na si Jose Manalo na si Anna Lyn Santos- Manalo. Bukod kina Nicco at Myki, ang iba pa nilang mga kapatid ay sina Sherwin, Benz, Ai at Colyn.

Hindi ibinahagi ng magkapatid ang sanhi ng ikinamatay ng kanilang ina na punanaw sa edad na 54.

The body was cremated yesterday, January 16, Sunday ng 11 a.m. na sinundan ng memorial service kagabi ng 7 p.m. via zoom.

Erwan Heussaff & Anne Curtis

Anne, Erwann at Dahlia sa France nag-Pasko

HANGGANG ngayon ay patuloy pa ring umaasa ang mga followers ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” na babalik sa programa ang isa sa mga original hosts na si Anne Curtis who made her maternity leave nung December 2019. Nung March 2, 2020 ay isinilang ng actress-host ang first baby nila ng kanyang husband na si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie in Melbourne, Australia at nakabalik na rin sila ng Pilipinas. Pero hanggang ngayon ay reluctant pa rin ang actress-host at celebrity endorser na bumalik sa noontime program dahil pa rin sa pandemya bilang proteksyon sa kanyang pamilya lalung-lalo na kay Dahlia who’s turning two sa darating na March 2.

Maging sa paggawa ng pelikula ay ayaw pa rin ni Anne but, hopefully, sana ay mangyari na ito this year.

Samantala, sa Europe nagpalipas ng Pasko at Bagong taon ang mag-asawang Anne at Erwan with their daughter na si Dahlia. Sa France ay nagkita-kita sila ng iba nilang close friends na sina Isabelle Daza at Solenn Heussaff and their respective families. Hindi naman naka-join sa kanila ang iba nilang close friends na sina Georgina Wilson at Liz Uy at kanilang mga pamilya who spent the holidays elsewhere.

Dingdong Dantes & Marian Rivera

Dingdong at Marian gustong sundan si Ziggy

PAREHONG may leaning sa showbiz ang dalawang kids ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na sina Zia (6) at Ziggy (2) pero firm ang mag-asawa na papasok lamang ng showbiz ang dalawang bata balang araw kapag natapos nila ang kanyang pag-aaral.

Although magiging supportive ang mag-asawa sa gusto ng kanilang dalawang anak, priority umano sa mga ito ang edukasyon.

Last December 30 ay nagdiwang ng kanilang ika-pitong anibersaryo bilang mag-asawa sina Dingdong at Marian. Although masaya na sila sa kanilang dalawang anak, open pa rin umano ang mag-asawa na sundan si Ziggy who is turning 3 on April 16.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE