Liza

Hating reaksyon sa boses ni Liza, sinagot ng talent manager

June 16, 2021 Vinia Vivar 291 views

TreseHati ang reaksyon ng mga netizen na nakapanood na ng Tagalog-dubbed Netflix offering na Trese kung saan nga ay si Liza Soberano ang nagsaboses ng lead character na si Alexandra Trese.

May pumupuri sa naging performance ng aktres at mayroon din namang hindi nasisiyahan.

Isa sa negative comments ay monotonous daw ang tono ni Liza at hindi rin nila nagustuhan ang tinig ng aktres.

Pero marami rin naman ang nagsabi that Liza did a good job lalo na nga’t first time niya to do voice acting.

Ayon sa manager ni Liza na si Ogie Diaz, nirerespeto nila ang mga opinyon ng viewers ke negative or positive.

Sey pa niya, sadyang you cannot please everybody.

“Kung may hindi nakagusto sa boses ni Liza, eh, opinyon nila ‘yun. Kung paanong may opinyon din naman ang iba. Kung nagandahan sila sa performance ng tinig ni Liza Soberano, eh, di maraming salamat.

“Sa mga hindi, wala rin naman tayong magagawa. Opinyon n’yo ‘yun,” pahayag ni Ogie sa YouTube vlog nila ni Mama Loi.

Hindi rin daw nag-audition si Liza sa Trese kundi handpicked siya talaga at very happy raw ang Netflix sa performance ni Liza.

“Siya po ang first choice bilang Alexandra Trese. Marami pa kaming dinaanan bago natuloy ito. Kung alam mo lang.

“Pero naramdaman namin sa mga staff ng Netflix, ay grabe ang pagmamahal nila kay Liza. Sobra! Lahat sila natuwa sa aming Viber group, natuwa sila sa naging performance ni Liza at hindi raw sila nagkamali na kinuha nila si Liza Soberano,” sey ni Ogie.

Bonggang opening ceremony

Pormal nang binuksan ang NCAA Season 96 nitong Linggo (June 13) sa pamamagitan ng isang star-studded at talaga namang pinaghandaang opening ceremony na ipinalabas sa GTV.

Pinangunahan nina real-life couple Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang mga Kapuso star na nakibahagi sa Rise UP Stronger NCAA Season 96 Opening Ceremonies.

Ang GabLil ang nagsilbing hosts ng TV special, kasama sina Rise UP Stronger: The Road to NCAA Season 96 hosts Martin Javier at Sophia Senoron.

Nagpamalas din ng galing sa pagkanta sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Soul Diva Aicelle Santos, Kyline Alcantara, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Anthony Rosaldo, Thea Astley at Sheemee Buenaobra.

Kasama rin nila bilang flag bearer at muse ng NCAA teams ang iba pang Kapuso stars.

Nakakatuwa ring makita ang mga student-athlete mula sa 10-member school ng NCAA na sabay-sabay na nag-cheer virtually para sa kani-kanilang school from the comforts of their homes.

Very touching din na mapanood silang nag-take ng Oath of Sportsmanship na dati’y ginagawa sa physical venue.

Tiniyak nga ng NCAA at ng GMA Network na kahit wala sila sa studio, all-out pa rin ang participation ng lahat ng member schools para sa opening.

Sa nasabing opening ceremony, lalong pinakita ng Kapuso Network ang kahalagahan ng NCAA para sa mga kabataang atleta.

Nagbibigay pag-asa rin ang pagbubukas ng NCAA sa ating lahat–kahit nasa gitna tayo ng pandemya, maaari pa rin nating ipagdiwang at ipamalas ang galing ng ating mga student-athlete.

Mapapanood ang NCAA sa GTV araw-araw sa mga sumusunod na oras, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 p.m.; Sabado, 4:30 p.m.; at Linggo, 5:05 p.m.

AUTHOR PROFILE