Tomcarla

Tom at Carla, may teamwork sa wedding preparations

June 16, 2021 People's Tonight 462 views

IN full swing pa rin ang preparasyon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa kanilang kasal kahit kapwa sila naka-lock-in taping sa kanilang respective shows.

Teamwork silang soon to be couple sa preparasyon.

Kausap ni Carla ang wedding coordinator habang may sariling zoom meeting naman si Tom sa ilang taong kausap para sa kasal.

Ayon sa interview kay Tom sa 24 Oras, magaganap ang kasalan sa October. Ang color motif ng kanilang wedding ay white, gold at konting black.

Tini-tape ni Tom ang The World Between Us habang si Carla naman ay nasa set ng To Have and To Hold.

CAMPAIGN PROPAGANDA?

SUPORTADO ng premyadong writer-director na si Erik Matti si Manila Mayor Isko Moreno kung sakaling tumakbo ito sa national elections next year.

Agad naglabasan ang ispekulasyon na tatakbo si Mayor Isko nang inanunsiyo ang pagpili sa kanya na gumanap bilang si Andres Bonifacio sa bioflick na gagawin ng Regal Entertainment at Reality Entertainment na ididirek ni Matti.

Ang intriga, eh, magiging campaign propaganda raw ng Manila mayor ang movie na siya rin ang gaganap.

“From our end, we just want to do a movie and if he runs for higher office. I’m there for him,” saad ni Direk Erik sa interview niya sa CNN Philippines.

Sa July pa ang balitang full-blast shooting ng movie.

Pero priority pa rin ni Yorme Isko ang pagiging mayor ng Maynila pagdating sa schedules. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE