Ano’ng namamagitan kina Geneva at Jeffrey?

June 16, 2021 Aster Amoyo 609 views

IS there something special going on between the two original members of Smokey Mountain group Geneva Cruz and Jeffrey Hidalgo?

Although magkakaibigan pa rin hanggang ngayon ang apat na members ng dating teen group na Smokey Mountain na kinabibilangan din nina James Coronel and Tony Lambino, kakaiba ang closeness na ipinakikita ngayon nina Geneva at Jeffrey.

Singer-actress Geneva (44) has had several failed relationships including two broken marriages and a wedding proposal na hindi nauwi sa kasal. Si Jeffrey naman ay never pang nag-asawa at nagkaroon ng panibagong girlfriend magmula nang siya’y ma-heart broken.

Sa apat na original members ng Smokey Mountain, sina Geneva at Jeffrey lamang ang nagpatuloy sa kanilang respective singing and acting careers. Bagama’t tinapos ni Jeffrey ang kanyang pag-aaral ng Chemical Engineering sa UP at isa na siyang licensed chemical engineer, nag-concentrate ito sa showbiz at pinasok na rin niya ang pagdidirek ng pelikula. Dalawa sa kanyang dinirek ay ang “Silong” na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Rhian Ramos and most recently ay ang “General Admission” na tinampukan naman nina Jasmine Curtis-Smith at JC de Vera.

Although first love ni Jeffrey ang pagkanta, inamin nito na mas passionate siya ngayon sa pagdidirek at marami rin umano siyang sinulat na material which he plans to present to Viva kung saan siya ngayon nakakontrata.

Parehong unattached ngayon sina Geneva at Jeffrey at super close ang dalawa maging sa kanilang respective families. Jeffrey was there for Geneva nang magkasunod na pumanaw ang ina at auntie ng singer-actress dahil sa Covid-19 coronavirus. Jeffrey was very supportive kay Geneva nang ito’y sumali sa recently-concluded “Your Face Sounds Familiar”. Maging sa pamamasyal sa iba’t ibang lugar including Boracay ay magkasama ang dalawa along with other friends. Nakatakda na namang bumalik ng Boracay ang dalawa kasama ang iba pa nilang kaibigan including singer-actress Rachel Alejandro.

Unknown to many, high school crush ni Jeffrey si Geneva na naging kapareha pa niya sa high school grand ball at hindi nito ikinakaila na nanligaw siya noon sa singer-actress perso nabasted umano siya. Maging ang dalawa pang members ng Smokey Mountain na sina Tony at James ay nanligaw din umano kay Geneva gayundin si Raymart Santiago, among others.

Geneva was about 24 years old nang magpakasal kay Paco Arespacochaga ng Introvoys in 1995 pero nagkahiwalay ang dalawa nung 2001. Nagkaroon sila ng isang anak na si Heaven, now 25. Muling nag-asawa si Geneva sa Fil-Am MTV VJ noon-turned actor-host na si KC Montero, ang nakababatang kapatid ng actor na si Troy Montero. The two got married in 2004 pero nagkahiwalay in 2012 after eight years. Never silang nagkaroon ng anak after three miscarriages.

Geneva got engaged to a non-showbiz guy, ang Fil-Australian na si Lee Paulsen pero nagkahiwalay din ang dalawa when the singer-actress was heavy with their child, si London, now 7 years old.

Sarado na ba ang puso ngayon ni Geneva?

“Never ko naman isinara ang puso ko but right now, hindi `yan ang priority ko kundi ang singing career ko, my children laluna ang youngest ko na si London and my new business,” aniya.

Geneva has started her own business, ang Smokey Mountain merchandising products na kanyang sinimulan sa T-shirts and bags which she is selling online.

“Thank God it’s doing well,” pagmamalaki pa ng singer-actress.

Geneva considers Jeffrey her best friend at parang magkapatid ang kanilang turingan.

“I am safe with him. Kahit yakapin ko `yan, umupo ako sa kanyang lap, walang malice because we’re so comfortable with each other,” pag-amin ni Geneva. “Never `yan nag-take advantage sa akin,” dugtong pa niya.

What if muling ma-rekindle ang pagmamahal sa kanya ni Jeffrey?

“Hindi natin alam ang puwedeng mangyari in the future but right now, ayokong masira ang pagkakaibigan namin,” pahayag pa ni Geneva.

“I’m not closing my doors,” deklara naman ni Jeffrey na naroon pa rin ang espesyal na pagtingin at pagki-care sa singer-actress.

“Tulad ni Gen, hindi natin alam what the future holds,” nakangiting tugon ni Jeffrey na sa tingin namin ay may lihim pa ring pagtatangi kay Gen.

Jao ipinareha sa mas batang aktres sa pagbabalik-pelikula

KAHIT mahigit sampung taon ang age gap sa pagitan ng young actress na si Rhen Escano at ni Jao Mapa who is almost double the age of the singer-actress-host ay hindi ito malaking issue dahil silang dalawa ang pinagpareha ng Viva Films sa bagong movie ni Rhen, ang “Kung Hindi Man,” her fourth matapos siyang i-launch along with former beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda sa suspense-drama movie na “Adan” in 2019. Kasunod na rito ang Cristine Reyes-Xian Lim starrer na “Untrue”.

Ayaw pa sanang umalis ni Rhen sa top-rating ang longest running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pingbibidahan ni Coco Martin na siya ring co-director ng serye pero ang Viva na rin mismo ang nag-desisyon dahil sa movie projects na nakatakda niyang gawin. Immediately matapos patayin ang character ni Rhen sa “Ang Probinsyano” ay agad niyang sinimulan ang “The Other Wife” na pinagsamahan nila nina Lovi Poe at Joem Bascon at pinamahalaan ni Prime Cruz. Sinimulan na rin ni Rhen ang bago niyang movie with Viva, ang “Kung Hindi Man” na pinagtatambalan nila ni Jao Mapa.

Natutuwa naman si Jao na kahit kamakailan lamang siya lumagda ng kontrata sa Viva ay nakapagsimula kaagad siya ng dalawang magkahiwalay na proyekto, isang TV series na “Puto” na pinagbibidahan ni Herbert Bautista at nakatakdang mapanood sa TV5 and a new movie with Rhen, ang “Kung Hindi Man” mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas.

Immediately after he signed up with Viva recently ay ibinalik ni Jao ang kanyang boy-next-door look sa halip na long hair.

Bukod sa pagiging actor, si Jao ay isa ring mahusay na virtual artist.

Local streaming app Vivamax deals with foreign companies

MASAYANG-masaya ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario na kilalang-kilala na ang Vivamax, ang sariling streaming app ng kumpanya which was formally launched last January 29, 2020 na sinundan ng launch sa Middle East a couple of months later.

Viva is currently finalizing deals with other countries including US, Europe, Canada, Japan at iba pang bansa kung saan maraming Filipino residents.

Sa rami ng mga pelikulang ipinalabas sa Vivamax since January, nag-number one ang latest movie ng magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles, ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap na apat na pelikula ang pumasok sa Top 10 ng Vivamax features.

Viva is the only company right now na sunud-sunod ang mga ginagawang proyekto both for TV content at movies.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aste_amoyo.

AUTHOR PROFILE