Tukso

Grupo ng macho dancers sasayaw sa tugtog ng panganib sa ‘Mapanukso’

March 16, 2024 Ian F. Fariñas 229 views

Isang grupo ng macho dancers ang bubungad sa pelikulang Mapanukso sa Vivamax ngayong March na pagbibidahan nina Sean de Guzman, Itan Rosales, Marco Gomez, Mon Mendoza at Calvin Reyes.

Si Sean ay gumaganap bilang si Carlo. Matagal na siyang macho dancer sa club na tinatawag na “The Den,” kung saan mayayamang babae ang mga kliyente. Hindi niya ikinakahiya ang kanyang trabaho pero hindi rin naman niya planong magtagal dito.

Ambisyon niya na maging isang chef at mag-migrate sa Canada.

Likas na mabait at matulungin si Carlo. Hinanapan niya ng trabaho ang isang binata na bago lamang niyang nakilala dahil parang nakikita niya ang kanyang yumaong kapatid sa katauhan nito.

Si Itan naman ay si Angelo, 18 years old. Siya ang binatang ipapasok ni Carlo sa club para maging propsman.

Dahil ‘di hamak na mas malaki ang kita ng macho dancer, naengganyo rin si Angelo na magsayaw.

Dito niya makikilala si Bianca (Tiffany Grey) at ibabahay pa siya nito sa penthouse kapalit ang sexual favors.

Si Marco ay si Primo, may kayabangan pero sa totoo ay insecure. Lagi silang may alitan ni Carlo pero sunud-sunuran naman siya sa kanyang sugar mommy na si Tanya (Ataska).

Bukod kay Carlo, magiging mainit din ang dugo ni Primo kay Angelo dahil mapapansin niya na nagkaka-interes si Tanya sa binata.

Si Mon ay si Benjie, isang lalaki na ayaw ng commitment. Si Abby (Thia Ledesma), isang sugar baby ng isang congressman, ang babae sa buhay niya pero iniiwasan nito na ma-in love dahil hindi siya naniniwalang may patutunguhan ang kanilang relasyon.

Si Calvin Reyes naman ay si Jason, may asawa’t anak sa probinsiya.

Pinapalabas niyang nagtatrabaho siya bilang call center agent. Samantala, humaling na humaling sa kanya ang kanyang sugar mommy na isang mayamang businesswoman (Cath Ventura) at gusto nitong malaman kung may karelasyon ba ito.

Gaya ng inaasahan, hindi aamin si Jason na may asawa na siya.

Sa kabila ng lahat ng luho at aliw na mararanasan nina Carlo, Angelo, Primo, Benjie at Jason sa kanilang trabaho, nagbabadya ang matitinding problema dahil na rin sa mga babaeng kinakasama nila.

‘Wag palampasin ang kanilang pagharap sa tugtog ng panganib.

Directed by Abdel Langit (Young Critics Circle and Cinema One Originals awardee) ang Mapanukso ay streaming na ngayon sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE