Groundbreaking Pinangunahan nina Iligan City Mayor Josemarie L. Diaz kasama sina Senator Mark Villar at former mayor Evelyn “Mudz” C. Diaz, OIC Regional Dir. Rosemarie Aquino ang groundbreaking ceremony at inauguration project sa Ilagan City, Isabela.matapos idaos ang 11th Cityhood celebration at Mamangi Festival. Mga kuha ni JON-JON C. REYES

Groundbreaking, inauguration ng housing project pinasinayaan sa Ilagan

August 7, 2023 Jonjon Reyes 569 views

Groundbreaking, inauguration

PINANGUNAHAN nina Ilagan City Mayor Josemarie L. Diaz kasama sina Senator Mark Villar, Vice Mayor Kiryll Bello at OIC Agriculture Regional Director Rosemarie Aquino ang groundbreaking ceremony ng I-Corn Complex sa Marana 1st City Of Isabela, Ilagan, matapos ipagdiwang ang 11th cityhood anniversary ng nasabing lugar.

Ang lungsod ng Ilagan ay ipinroklama bilang bagong Corn Capital ng Pilipinas noong ikatlong anibersaryo ng pagiging lungsod nito matspos sabihin ni Former Sec. Proceso Alcala na kinatawan ni dating Asec. Edilberto M. De Luna.

Kasabay nito ang pagdiriwang ng Mamangi Festival ng Ilagan City, Isabela. Binuksan rin ang housing project na amy 100 kababayan para sa mga empleyado ng ilagan City Hall.

Pinangunahan nina Mayor Diaz at maybahay nito na dating alkalde na si Ginang Evelyn “Mudz” Catolico Diaz, ang blessing at inauguration ng JLD Village sa Brgy. Alibago.

Aabot sa mahigit 2,500 na empleyado ang target na mabibiyayaan ng nasabing housing project.sa mga susunod na buwan at taon sa Ilagan City.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing okasyon sina Jessamin Uy-ligan at Rilly Tugade, kapwa Sagunian Panlalawigan at mga konsehal ng lungsod.

AUTHOR PROFILE