Dizon CRIMINALS LISTEN–Nagbigay ng pahayag si MPD Director Gen. Andrei Dizon sa mga kriminal na may iba’t ibang kaso na kasalukuyang nagtatago sa batas na sisiguraduhin niya na kulungan ang kanilang kahahantungan. Kuha ni Jon Jon Reyes

Grab driver, 1 pa arestado frustrated homicide sa Maynila

August 11, 2023 Jonjon Reyes 404 views

INARESTO ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District Delpan Police Station 12 ang isang 31 anyos na Grab rider makaraang arestuhin dahil sa frustrated homicide noong Huwebes sa Tioco St., sa Tondo, Manila.

Base kay Police Lieutenant Colonel Restito Acohon, station commander, bandang 7:55 ng umaga nang arestuhin ang suspek na si alyas ‘Jorge,’ ng Anacleto Street, Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Captain Marvin Manalo, hepe ng Warrant Section, kabilang sa top 10 most wanted persons si Jorge.

Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Princess Ma Bajarias.

Samantala, hindi na nakapalag ang isang 39-anyos na binata makaraang arestuhin dahil sa paglustay ng pera sa Padre Noval St., Sampaloc, Manila, Huwebes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si alyas ‘Jayson,’ ng 1156 Dapitan St., Sampaloc, Manila.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Commander ng Manila Police District- Barbosa Police Station 14, bandang 4:30 ng hapon, nang isilbi ang warrant of arrest kay Jason sa pangunguna ni Police Captain Laureano Larry Daligdig hepe ng Warrant Section base sa utos ni Mupas.

Inaresto ang suspek dahil sa qualified theft.

Patuloy ang pasasalamat ni MPD Chief PBGen. Andre Dizon sa kanyang mga pulis dahil sa pagpapairal ng Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) at Oplan.

AUTHOR PROFILE