Goma

Goma, hindi nabati ng happy birthday si Sharon

January 27, 2024 Ian F. Fariñas 97 views

MartinCongtvAPOLOGETIC si Cong. Richard Gomez nang aminin sa entertainment press na hindi niya nabati ng happy birthday ang dating ka-loveteam at girlfriend na si Sharon Cuneta noong January 6.

Sa press launching ng Congress TV na ginanap sa Batasang Pambansa kamakailan, nag-sorry si Goma dahil medyo naging busy umano siya nu’ng time na ‘yon.

Kaya naman idinaan niya sa press ang mainit na pagbati kay Sharon habang nakatutok ang video recording ng mga ito sa kanya.

Aniya, “’Di ko nga siya nabati ng happy birthday.

Pakisabi na lang, happy birthday Sharon, belated happy birthday. Naging busy lang nang konti, happy birthday!”

Pag-amin ng aktor-politiko, nami-miss din niyang umarte lalo pa nga’t ang huling movie nila ni Sharon, ang Three Words to Forever, ipinalabas noon pang pre-pandemic, 2018.

Okay umano sa kanya na makatrabaho muli ang Megastar sa isang proyekto na mala-Three Words to Forever na masaya’t tipong light family drama.

Sa ngayon, ani Goma, may dini-develop siyang materyal tungkol sa naging experience niya bilang mayor ng Ormoc City.

“I don’t mind doing a movie ‘pag may magandang script. Teleserye kasi ubusan ng oras ‘yon, eh. Ako, okay lang movie, kasi trabaho namin Monday to Wednesday lang, eh. This year hanggang next year, okay lang ako. Nami-miss ko nga, eh.

Kung sakali, bet niya ang drama.

“Drama saka siyempre love story, ‘di ba? Naman! Sayang naman ang kaguwapuhan natin,” dugtong ni Goma sabay tawa.

Samantala, ang Congress TV ay isang free-to-air digital channel ng PTV na araw-araw na maghahatid ng sesyon at regular legislative work at public service ng Mababang Kapulungan.

Iere ito araw-araw mula 9 a.m. hanggang 9 p.m. sa PTV digital channel 14 sa Metro Manila at available rin sa Ch. 46 ng GMA Affordabox at Ch. 2 ng ABS-CBN TVPlus.

Pwede rin itong ma-access online sa Facebook, YouTube, Instagram at X (dating Twitter).

Anang House Speaker na si Martin Romualdez, “Viewers will have the opportunity to witness the discussions, debates and deliberations of Congress during its regular sessions. By way of Congress TV, we hope to promote greater transparency and accountability in our legislative process and encourage our people to actively interact with our lawmakers in the spirit of true democracy.”

Patuloy naman ni Goma, “It’s basically to show what’s happening in Congress. Para alam ng tao kung ano ‘yung trabaho ng congressmen. Kung ano ‘yung mga achievements ng Congress. Kasi nakikita nila puro lang daldal nang daldal. What’s important is for people to understand na ‘yung pondo ng buong bayan, ng buong Pilipinas, dito nagsisimula. Dito ini-scrutinize. Dito namin tsinetsek kung nagagamit ba ng mga departmento nang tama ‘yung mga budget na ibinibigay sa kanila.”

AUTHOR PROFILE