Janno

Janno, may regret sa pagkawala ni Ronaldo

January 27, 2024 Ian F. Fariñas 90 views

PERFECT parting gift ang description ni Janno Gibbs sa huling pelikula na pinagsamahan nila ng yumaong ama na si Ronaldo Valdez. Ito nga ang Itutumba ka ng Tatay Ko na directorial debut din ng singer-comedian.

Malaki ang pasasalamat ni Janno sa beteranong ama sa pagpayag nito na gawin ang nasabing pelikula kung saan kasama rin sa cast ang dating child star na si Xia Vigor.

Sa ilang eksena nilang magkasama, lalo na towards the end of the movie, binalikan ni Janno kung gaano kahirap kunan ang mga ito kasama si Ronaldo.

Sa 40th day ng kamatayan nito, nag-post ng pag-alala si Janno kasama ang isang still photo mula sa Itutumba Ka…

Aniya, “Shooting this emotional scene w/ my Tatay was hard enough. Watching it now is even tougher. Your presence in the film is undeniable. Today is the 40th day of his passing.”

Kung meron man daw regret si Janno sa nangyari, ito ay ang hindi niya pagkakaroon ng tsansa na makapagpaalam nang “proper” kay Ronaldo.

Anyway, showing pa sa mga sinehan nationwide ang Itutumba Ka… mula sa Viva Films.

AUTHOR PROFILE