Default Thumbnail

Ginang patay sa silver cleaner

April 22, 2024 Jonjon Reyes 57 views

PINANINIWALAANG nagpatiwakal ang 32-anyos na ginang sa pamamagitan ng paglagok ng isang bote na may silver cleaner sa Mayhaligue St., Sta. Cruz, Maynila noong Linggo.

Nakilala ang biktima na si Priscilla, may asawa at residente sa naturang lugar.

Base sa report ni Det Charles Benson Dela Torre kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-5:10 ng hapon ng maganap ang insidente.

Naisugod pa sa Metropolitan Hospital ang biktima pero bandang 9:24 ng gabi idineklarang patay ni Dr. Erwin Dauian Marceu.

AUTHOR PROFILE