Gerphil nanganak na

January 10, 2022 Aster Amoyo 1021 views

THIRTY-one-year-old Filpino-German opera singer and 2nd runner-up sa inaugural season ng “Asia’s Got Talent” in 2015 na si Gerphil Flores-Libanan ay nagsilang ng baby boy which she shared sa kanyang Instagram account last January 9, 2022.

Tinaguriang “Asia’s Golden Girl,” Gerphil married her longtime boyfriend (of ten years) na si Brad Libanan, anak ng dating congressman ng Eastern Samar, who, himself is a musical artist. Ang dalawa ay ikinasal sa Manila Cathedral in Intramuros, Manila nung July 21, 2019.

Si Gerphil ay dalawang beses nagtapos ng degree sa College of Music, a diploma in Creative Performing Arts and a Bachelor’s Degree in Music (Voice) sa University of the Philippines kung saan siya nagtapos as cum laude nung June 2016.

Si Gerphil ay isinilang sa Germany to a German father and Filipina mother. Nung nabubuhay pa si Kuya Germs (German Moreno), madalas mapanood si Gerphil sa dating late night musical variety show ng Master Showman, ang “Walang Tulugan with the Master Showman” on GMA.

PioloAngelica busy muli sa TV

MULING magiging busy this year ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban dahil may dalawang bagong TV series siyang pinagkakaabalahan, ang iWant TFC series na “The Goodbye Girl” na pinamahalaan ni Derick Cabrido at tinatampukan din ng mga ex-PBB housemates-turned Kapamilya actresses na sina Elisse Joson, Loisa Andalio, Barbie Imperial at Maris Racal.

Ang “The Goodbye Girl” ay adaptation mula sa best selling book na “Mga Kuwento ng Pag-ibig at Heartbreak” ni Noreen Capili.

Nariyan din ang romantic-comedy series nila ng Kapamilya ultimate heartthrob na si Piolo Pascual, ang “May Papa Pi” na pamamahalaan ng movie box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Sina Piolo at Angelica ay unang nagkasama sa TV series na “Mangarap Ka” in 2004 at sa pelikulang “Every Breath You Take” in 2012.

After having been in a relationship with actors Carlo Aquino, Derek Ramsay and John Lloyd Cruz, Angelica’s current boyfriend is not from showbiz, American businessman Gregg Homan based in Subic, Olongapo City.

The Kapamilya actress remains as one of the most loyal stars of ABS-CBN having been with the Kapamilya network since 1992.

Huling napanood ang aktres sa hit primetime TV series na “Walang Hanggang Paalam” nung isang taon at sa digital movie na “Love or Money”na pinagtambalan nila ni Coco Martin.

Covid virus walang pinipili

HINDI biro itong Omicron variant ng Covid-19 na patuloy na nananalasa sa iba’t ibang bahagi ng mundo including the Philippines at wala rin itong pinipiling tao o personalidad na kakapitan o mahahawaan.

Most recently, magkakasunod na kinapitan ng virus ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach, ang news anchor at vlogger na si Karen Davila at ang kanyang pamilya, ang volleyball player at isa sa top 2 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 na si Alyssa Valdez, ang aktres na si Sofia Andres maging ang entertainment anchor ng “TV Patrol” na si Gretchen Fullido. Sumunod din ang news anchor ng GMA na si Arnold Clavio, actor-politician na si Alfred Vargas, ang mister ni Sharon Cuneta na si Sen. Kiko Pangilinan at sa ikalawang pagkakataon ay muling kinapitan ng virus ang actress-comedienne at host na si Candy Pangilinan at maraming iba pa na ayaw lamang ipaalam sa publiko na sila’y positibo rin sa virus.

Samantala, naka-isolate si Sharon at mga anak na sina Miel at Miguel maging ang kanilang mga kasambahay sa kanyang mister na si Sen. Kiko.

Enzo si Michelle na ang ‘the one’

KUNG ang Kapamilya actor na si Enzo Pineda (31) lamang ang masusunod ay handang-handa na umano siyang magsimula ng isang pamilya with her girlfriend, ang kapwa Kapamilya na si Michelle Vito (24) pero ayaw niya umanong madaliin ang lahat dahil pareho pa umano sila ng kanyang girlfriend na may gusto pang ma-achieve.

Sina Enzo at Michelle ay unang nagkalapit sa isa’t isa nang magkasama sila sa daytime TV series ng ABS-CBN, ang “Nang Ngumiti ang Langit” in 2019 pero inamin lamang nila ang kanilang relasyon in August 2020.

Hindi rin ikinakaila ng actor na nung simula ay hindi umano siya gusto ni Michelle pero naipakita niya sa dalaga maging sa kanyang pamilya ang kanyang pure intention kaya sa kalaunan ay naging sila.

Para sa Starstruck alumnus, si Michelle na umano ang kanyang `the one’ at sa kanyang kasintahan niya nakikita na ito na ang gusto niyang makasama habambuhay.

KevinKevin LDR with brand new wife

IKINASAL na last January 5, 2022 ang Starstruck alumnus-turned Kapuso actor at pilotong si Kevin Santos sa kanyang nurse na kasintahan na nagta-trabaho sa Sydney, Australia pero pagkatapos ng kanilang kasal ay balik sa LDR (long distance relationship) ang bagong mag-asawa dahil nasa Pilipinas ang trabaho ng actor-pilot habang sa Australia naman ang work ng kanyang misis.

Bukod sa pagiging isang actor at piloto, si Kevin ay nagtapos ding cum laude ng Political Science sa Arellano University.
Wala pang desisyon ang actor kung susundan niya sa Australia ang kanyang misis para doon sila bumuo ang pamilya.

CandyCandy tinamaan na naman ng virus

IT was in December 2020 nang unang magka-Covid ang actress-comedienne-host na si Candy Pangilinan and she had to isolate herself from her 18-year-son (with special needs) na si Quentin maging sa kanyang 87-year-old mother at iba pang kasama sa bahay. Hindi rin niya naranasang mag-spend ng Christmas and New Year with her family at siya’y nanatili sa office ng kanilang bahay dahil kahit papano’y nakikita niya ang kanyang anak at ina. Nang siya’y gumaling ay doon lamang sila nag-celebrate ng kanilang belated Christmas at New Year.

Although fully-vaccinated na si Candy at ang kanyang pamilya ay kinapitan pa rin siya ng Covid virus nito lamang pagpasok ng bagong taon, kaya balik na naman umano siya sa isolation habang nagpapagaling.

Mag-isang binubuhay ng actress-comedienne-host ang kanyang kaisa-isang anak na si Quentin at never umano siyang umasa ng tulong sa kanyang ex-husband at ama ng bata na si Gilbert Alvarado. Annulled na rin ang kasal ni Candy sa kanyang dating mister.

KierKier nanibago sa pagbabalik

MAY mga seven to eight years ding tumigil sa kanyang showbiz career ang actor na si Kier Legaspi but it was only late last year nang muli siyang lumagda ng kontrata with his former home studio, ang Viva kung saan siya nagsimula nung late 80’s.

Tulad ng dati niyang mga kapanabayan sa bakuran ng Viva na sina Jay Manalo at Joko Diaz, balik Viva rin si Kier at first movie niya ang “Kinsenas, Katapusan” na pinamahalaan ni GB Sampedro at kung saan kasama rin niya si Joko with Ayanna Misola, Jamilla Obispo, Jojo Abellana at Angela Morena.

Natutuwa si Kier na may pagkakataon siyang magkatrabahong muli ang mga datihang artista pati na rin mga baguhan. Naninibago lamang umano siya sa lock-in set-up ng shootings at tapings.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE