Genesis Genesis Gallios

Genesis Gallios may magarbong birthday dinner show sa Manila Hotel

September 30, 2022 Eugene E. Asis 290 views

ISANG magarbong birthday dinner show ang hatid ng tinaguriang Queen of Entertainment Bar na si Genesis Gallios. May titulong “Reign,” gaganapin ito sa October 1, 7:00 p.m. sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Magiging special guest nito ang mga super crush niyang actor na sina Xian Lim at Vin Abrenica. Kasama rin sina ex-PBB housemate Madam Inutz at former Miss Saigon lead actress Ima Castro.

Ito ay handog ng Gergall Events and Talent Management at na pamamahalaan ni Mak de Leon.

Kasama rin sa nasabing show ang Junior New System, Pink Mannequins, Gents Squad, Breezy Boys at ilan pang surprise guests. At para sa ibang detalye, tumawag sa 09267212369.

Si Genesis ay kilala ring director, producer, pageant host at co-owner/director ng Apollo World Class Male Entertainment & KTV Bar at The One 690.

AUTHOR PROFILE