Gcash

GCash sineserbisyuhan ang mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo

September 14, 2023 People's Tonight 397 views

PINAIGTING ng GCash, ang nangungunang finance super app sa bansa, ang digital financial innovations na nakatutulong sa overseas Filipino workers (OFW) na manatiling konektado sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa bansa.

Sa kasalukuyan, ang mga Pinoy sa ibang bansa ay nagpapadala sa 1 million GCash accounts sa Pilipinas.

“As we recognize the sacrifices and hard work of our modern-day heroes abroad, we want to make a real difference in the lives of every Filipino around the globe by providing them equal access to financial opportunities and a chance to achieve their dreams for themselves and their families wherever they are. These are just some of our innovations to help lessen the hardships of our hardworking OFWs and make their lives better everyday,” wika ni G-Xchange, Inc. (GXI) president and chief executive officer Ren-Ren Reyes.

Tinatawag na modern-day heroes, ang mga OFW ay kadalasang umaalis ng bansa para maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya at magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga sarili. Ang perang ipinadadala nila sa bansa ay nakapag-ambag na ng malaki sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ang GCash ay may mga produkto para tulungan ang overseas Filipinos na maiparamdam ang kanilang presensiya sa kanilang mga pamilya dito. Bukod sa pag-aalok ng ligtas at kumbinyenteng serbisyo, narito kung paano tumutulong ang GCash na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino araw-araw nasaan man sila.

Ang GCash ay maaaring gamitin sa international SIM.

Pinapayagan ng GCash ang may 10 million Filipinos na naninirahan sa ibang bansa na gamitin ang mga serbisyo ng app kahit ang gamit nila ay international SIMs. Sa beta launch ng GCash sa ibang bansa, ang overseas Filipinos sa Japan, Italy, USA, UK, Canada, and Australia ay maaaring mag-sign up para sa mobile wallet, kahit walang Philippine SIM.

Sa sandaling mabeperipika, ang mga Pilipino sa ibang bansa ay madali nang makapagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas gamit ang serbisyo ng e-wallet. Maaari rin silang bumili ng load para sa kanilang mga sarili o mahal sa buhay, at magbayad ng bills sa tamang oras gamit ang app. Pinalalakas din ng GCash ang international expansion nito para mas maraming serbisyo ang maipagkaloob nito sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

GCash available saan man sa mundo

Para matulungan ang mga Pilipino sa ibang bansa na mapagaan ang kanilang buhay, tinitiyak din ng GCash na maaari nilang magamit ang app at ang mahahalagang financial services nito nasaan man sila basta mayroon silang Philippine SIM.

Bukod sa pagpapadala ng pera at pagbabayad ng bills, maaari ring protektahan ng mga Pinoy ang kanilang mga pamilya at magkaroon ng mas magandang financial future sa paggamit sa insurance marketplace ng app, ang GInsure, at mapalago ang kanilang hard-earned money sa GFunds, GStocks PH, at GSave.

Mas madali at mas mabilis magpadala ng pera sa GCash

Mas mabilis at ligtas ding makapagpapadala ng pera ang overseas Filipinos sa kanilang mga mahal sa buhay dito kahit yaong mga walangt GCash accounts. Ang OFs ay maaaring ipadala ang kanilang remittances sa Pilipinas via 40+ remittance partners ng GCas sa buong mundo tulad ng Western Union, MoneyGram, Remitly, Wise, Sendwave at marami pang iba.

Maaaring i-download ng OFs ang GCash app sa Google Play, App Store, or Huawei AppGallery at iparehistro ang account nang libre, gamit ang active at roaming Philippine SIM card o international SIM.

Para sa mga Pilipino sa Japan, Australia, UK, USA, Canada, at Italy, ang GCash ay madaling mada-download gamit ang kanilang international SIM card.

AUTHOR PROFILE