Yassi

Game show ni Yassi, double trending

June 7, 2021 Ian F. Fariñas 290 views

NAKARAOS si Yassi Pressman sa kanyang kauna-unahang pagho-host ng game show na Rolling In It Philippines na hatid ng Viva Entertainment tuwing Sabado, alas-siyete ng gabi, sa TV5.

Katunayan, double trending agad ang programa sa hashtags na #RollingInItPhilippines at #RollingInItPHFirstRoll kaya naman walang paglagyan ng kasiyahan ang aktres.

Ang nasabing game show ay local adaptation ng hit na programa sa United Kingdom.

Sa launch pa lang ni Yassi bago ang June 5 premiere, sinabi na niya na excited siya pero may halong kaba at saya sa gagawing pagtawid mula acting to hosting.

Katwiran niya, “I’m excited kasi it’s something new for me. Masaya ako na I have something new to offer to my followers. Pero siyempre medyo kabado rin ako as I haven’t tried hosting a game show before.”

Ang Rolling In It Philippines ay isang game of luck, mind and strategy. Nakasalalay ang kaparalan ng contestants sa paggulong ng coins.

Kasamang naglalaro ng contestants ang celebrity partner mula unang round hanggang sa jackpot kung saan maaari silang mag-uwi ng tumataginting na P2,000,000.

Kabilang sa mga celebrity partner sina John Estrada, komedyanteng si Kuya Jobert, atbp.

Ayon kay Yassi, “I really do believe Filipinos will find the show thrilling.”

Napapanood nga rin pala ang catch-up episodes nito sa Sari Sari tuwing Linggo, 8 p.m., Cignal TV Ch. 3 at SatLite Ch. 30.

AUTHOR PROFILE